^

Pang Movies

Kasal nina Dianne at Rodjun, postponed muna!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kasal nina Dianne at Rodjun, postponed muna!

Hindi pa natatagalan nang matuklasan na si Melody Beth Cruz, nanay nina Rodjun at Rayver Cruz, ay mayroon ngang pancreatic cancer. Nagbabakasyon siya sa Singapore nang matuklasan iyon. Kagaya ng ibang mga pasyente, on medication na siya simula noon. Tapos noong medyo sumama ang kalagayan, ipinasok na siya sa Makati Medical Center.

Noong Sabado ng umaga, February 2, binawian siya ng buhay.

Natural malungkot pareho sina Rodjun at Rayver, at pareho silang humingi ng panalangin para sa kanilang namayapang ina sa kanilang social media accounts. Mabilis rin naman ang reaksiyon ng kanilang pinsang si Sunshine Cruz na nagpahayag din ng kanyang kalungkutan, dahil ang kanyang Tita Beth ang sinasabi niyang “zumba partner” niya, at isa sa mga lagi niyang kadamay kung siya ay mayroong mga problema.

Maliban doon sa sinabing malamang na dalhin siya sa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque, at mananatili ang kanyang burol hanggang sa Miyerkules, Pebrero 7, wala nang ibang sinabi ang pamilya. Bukod kina Rodjun at Rayver, may isa pa siyang anak na lalaki rin, si Omar.

Sina Rodjun at Rayver ay masasabi ngang lubos nang ulila ngayon. Iyong kanilang amang si Rodolfo Ilustre ay yumao na rin noong 2009 dahil sa kumplikasyon sa kidney at lungs.

Ang sinasabi nga ng mga fans nila ngayon, may balak si Rodjun na magpakasal na sa kanyang girlfriend na si Dianne Medina sa taong ito, pero matutuloy nga kaya ang schedule ngayon na namatay ang ermat niya? Kung sa bagay mga kaugaliang matatanda na iyan, iyong wala munang celebration sa panahon ng pagluluksa na tumatagal ng isang taon. Ngayon naman hindi na masyadong iniintindi iyan, pero ewan din natin dahil si Rodjun ang sinasabing pinakamalapit sa mama niya.

Matteo binigyan ng matamis na ‘halik’ si Sarah sa harap ng maraming tao

Doon sa isang concert ni Matteo Gui­dicelli recently, habang siya ay kumakanta ay bumaba siya sa stage, ibinigay ang isang rose sa kanyang girlfriend na si Sarah Ge­ronimo na nasa audience, at kasabay ng malakas na sigawan ng mga naroroon ay hina­likan niya iyon. May mga nakakuha ng video, at hindi nga nagtagal nasa social media na iyon.

Hindi naman iyan ang first time na hinalikan ni Matteo si Sarah in public. Hindi mo naman masa­sabi na iyong halikan nila in public ay iyon na iyon. May relasyon naman silang talaga at malamang in private mas nagagawa nila ang gusto nila. Pero iyang si Matteo naman gentleman, kaya huwag nin­yong aasahan na may iba pang mangyayari hanggang hindi pa sila nagpapakasal.

Pero kung iisipin, pareho naman sila nasa tamang edad na. Si Matteo naman ay may matatag na ring kinabukasan kahit na sabihin mong tumigil pa siya bilang artista. Kayang-kaya naman niyang buhayin ang kanyang pamilya. Kailan kaya sila talaga magpapakasal   

Matinee idol defensive sa ikinumpisal ng isang male sexy star

Inamin ng isang male sexy star, totoong nagkaroon sila ng fling ng isang sikat na matinee idol mula sa isang network. Minsan lang daw naman at hindi na naulit. Wala naman siyang binanggit na pangalan.

Pero may isang matinee idol na panay ang paliwanag sa kaibigan niyang director ng pelikula na hindi siya ang tinutukoy ng male bold star. Aywan kung bakit, samantalang hindi pa naman niya inaamin na bading nga siya. Bakit masyado ang pag-iwas niya sa sinabi ng male bold star?

“Sa sariling bibig nabibingwit ang isda,” sabi sa isang kasabihan.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with