^

Pang Movies

Derek marami pang inaayos sa kontrata

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Derek marami pang inaayos sa kontrata
Derek Ramsay

Kinumusta namin sa isang taga-GMA 7 kung kailan pipirma ng kontrata sa Kapuso Network si Derek Ramsay dahil last year pa nabalitang pipirma sa Kapuso Network. Ang sagot sa amin, “inaayos pa ang kontrata” at hindi na nag-elaborate pa.

Hindi na rin kami nag-follow-up pa ng tanong dahil parang ayaw nitong pag-usapan ang isyu. Pero, malinaw na pipirma si Derek, inaayos lang ang kontrata. Ang dami sigurong inaayos sa konrata ni Derek kaya hanggang ngayon, hindi pa siya nakakapirma ng kontrata.

Ang balita nga noong una, si Derek ang makakapareha ni Jennylyn Mercado sa bagong show nito sa GMA-7, pero ang in-announce, si Gabby Concepcion ang leading man ni Jennylyn.

Pero may tsika pa ring makakasama sa cast ng Love You Two si Derek, kaya abangan natin. Ang naalala namin, sabi ng director ng rom-com series na si Irene Villamor, kundi nabago ang schedule, this Monday na sila magsisimulang mag-taping at sa April ang airing ng series.

Renz ginawang inspirasyon ang ina

Muntik maiyak si Renz Valerio habang kausap namin sa presscon ng Inagaw Na Bituin at mapagkuwentuhan namin ang namatay niyang ina dahil sa breast cancer.  Ang hirap daw na the day after ilibing ang ina, first day taping niya niya sa teleserye.  Mabigat daw sa dibdib, pero kailangan niyang gawin ang kanyang trabaho at alam niyang ‘yun ang gusto ng ina, maging propesyonal siya.

Sa buong buhay ni Renz sa showbis, kundi ang ama ay ang ina ang kanyang kasama sa taping at nag-aasikaso ng kanyang mga gamit. Naiiyak pa rin siya ‘pag naaalala ang ina at ‘pag nasa bahay sila, nagkakaiyakan sila ng ama ‘pag napag-uusapan ang ina.

Ang ikinalulungkot pa ni Renz, hindi na naabutan ng ina ang pagga-graduate niya ng Marketing course sa Fatima College sa March. Hinintay raw ng Mama niya na maka-graduate siya na sad to say, hindi na mangyayari.

Ang ina ang inspirasyon ni Renz ngayon, kaya kahit malungkot, masaya na rin na may bago siyang show.

Ginagampanan niya ang role ni Henry Bautista, isang aspiring musician. Nakaka-relate siya sa role niya dahil in real life, he plays the guitar and drums.

Sa February 11, ang simula ng airing ng Inagaw Na Bituin  sa direction ni Mark Reyes. Magagaling na artista ang kasama sa cast na nagbibigay ng challenge kay Renz. Kailangan daw niyang mag-level up para makasabay.

Alden dibdiban ang pagpapapayat

Si Alden Richards ang sumalo sa pagho-host ni Luis na hindi nga nakadalo dahil nagkasakit.

Sa napanood naming video, maganda ang kinalabasan nang pagpo-proxy ni Alden kay Luis. Nabanggit ni Alden na BDO rin ang bangko niya sa Sta. Rosa, Laguna for six years na.

Bukod sa pagho-host, nag-perform din si Alden, kaya hindi lang siya host that night, performer din siya. Total performer ang tawag kay Alden that night.

Speaking of Alden, naiinip na ang supporters nito kung ano ang next show niya sa GMA-7.

Wala pa raw in-announce ang network kung ano ang plano nila sa aktor. Mag-abang lang kayo, hindi pababayaan ng network si Alden.

Bago nga magka-teleserye, may mga project ang aktor na narinig namin, bawal pa lang isulat. Hintay-hintay lang, sa ngayon, hayaan muna nating mag-workout si Alden dahil sabi n’yo, tumaba siya. Saka, napapanood naman siya sa Eat...Bulaga at Sunday Pinasaya.

vuukle comment

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with