Andi malabo nang magka-career?!
It was only in June last year nang aminin ng actress na si Andi Eigenmann na hiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend of more than two years na si Emilio Arambulo but months later ay may bago na siyang kasintahan sa katauhan ng surfing champion na si Philmar Alipayo na taga Siargao Island mismo kung saan madalas mag-stay ang actress kasama ang kanyang 7-year-old daughter (kay Jake Ejercito) na si Ellie.
Ang pagkahilig ni Andi sa surfing at sa Siargao Island ay siyang dahilan kung bakit bihira na itong mapanood sa telebisyon at pelikula dahil doon na siya halos naka-base.
Although nakagawa siya ng dalawang indie movie last year, ang Maid in London at All Souls Night. Ang huli naman niyang teleserye ay nagtapos in 2017, ang afternoon TV series na The Greatest Love na pinangunahan ni Sylvia Sanchez.
In her February 1 post sa kanyang Instagram account, inamin ni Andi that she’s four weeks and three days pregnant ngayon courtesy of her boyfriend na si Philmar Alipayo na merong three-year-old son na si Kanoa sa dati nitong karelasyon.
Ngayong buntis si Andi, mas lalong wala siyang chance na muling mapanood sa telebisyon at pelikula dahil sa kanyang present condition.
Tahimik lamang ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose sa kanyang muling pagbubuntis ngayon.
- Latest