^

Pang Movies

Pamilya ni Andi masaya sa kanyang pagbubuntis

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Gabby Eigenmann ang natanong sa mediacon ng Inagaw Na Bituin tungkol sa balitang four months preggy na ang kanyang sister na si Andi Eigenmann. Wala raw siya sa position na sagutin ang tanong basta masaya siya na masaya rin si Andi sa piling ng anak na si Ellie at sa surfer-boyfriend niya ang ama ng kanyang second child, si Philmar Alipayo.

 

Si Gabby ay gaganap bilang isang record producer sa musical-drama na Inagaw Na Bituin, na malapit nang mapanood sa afternoon prime ng GMA simula February 11.

Halikan nina Janine at Enchong may katuturan

Masayang-masaya si Enchong Dee na first time nakapag-guest sa Eat Bulaga ng GMA-7 last Saturday kasama sina Janine Gutierrez at Jackielou Blanco bilang mga contestant. Winners sina Jackielou at Enchong ng 50K each, pero si Janine ay hindi sinuwerteng mahulaan lahat ang mga tamang sagot. Pero nag-uwi rin sila ng one hundred thousand pesos.

Thankful sila na nakapag-promote ng Elise ang pre-Valentine’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. simula sa February 6 in cinemas nationwide.

Maganda ang Elise na dinirek ni Joel Ferrer at sa kanya rin ang story na nangyari sa tunay na buhay, someone na close sa kanya. Sa simula pa lamang, nang mapanood namin ito sa special preview, alam mo nang ang story ay umiikot kay Bert (Enchong), sa kanyang point of view, simula pa noong bata siya na naging sila ni Elise (Janine), pero nang umalis ay nakipag-break na sa kanya. Muling nabuo ang relasyon nila nang muli silang nagkita. No wonder na may kissing scene at sweet moments sina Enchong at Janine dahil kailangan iyon sa story bilang magka-relasyon.

Mahusay si Miss World 2017 Laura Lehmann at ang introducing na si Victor Anastacio. Kasama rin sina Pilita Corrales as the lola of Enchong at nanay niya si Jackielou Blanco.  May kurot din sa puso ang story at may umiyak pa during the preview.

Alden at Maine naki-join sa Kara Mia craze!

Marami nang sumasali sa Kara Mia at ako craze ng GMA-7’s new tele­serye na dalawang mukha nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, ay naghahati sa iisang katawan.

Dalawa nga sa Kapuso stars ang sumali sa craze, sina Alden Richards at Maine Mendoza, nang makita nila sa lobby ng GMA Network ang standee nina Barbie at Mika nang pumunta sila roon last Friday morning, February 1, para sa renewal ng contract ng Eat Bulaga sa network.

Mabilis na ipinasok ni Maine ang face niya sa standee at nang mai-picture siya, ipinost niya sa kanyang Instagram at may caption na MengMia, sa halip na Kara-Mia.

Sumunod naman si Alden na ipinasok naman niya ang face niya sa standee ni Mika kaya sila ni Barbie naman ang may picture.

Kahit daw ang students na nagkakaroon ng tour sa GMA studios, tuwang-tuwa na sumasali at pinu-post sa kanilang social media accounts.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with