^

Pang Movies

Natupad na ang gustong maging ordinaryo, John Lloyd hindi na mukhang artista!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May isa kaming kaibigang photo hobbyist din kagaya namin. Hilig kasi namin talaga iyang photography, pero sa ngayon isang hobby na lang iyan para sa amin. Hindi na kagaya noong araw na lumalaban kami sa mga coverage talaga.

 

Pero ang mga hobbyist, asahan mo sa mga iyan ang istambay sa mga photo finishing shops at tindahan ng mga equipment diyan sa R. Hidalgo, at nagpapalitan ng kuwento at kaalaman sa photography.

Pero iba nga ang kuwento noong isang kaibigan namin. Nakasabay daw niya si John Lloyd Cruz sa isang photo finishing laboratory riyan sa Quezon City. Simpleng tao na lang daw si John Lloyd. Parang karaniwang tao na lang talaga. Hindi mo na mababakas sa kanya iyong pagiging isang celebrity.

Eh iyon ang gusto niyang buhay eh, di bahala siya.

Andi inaasahang magtatagal sa bagong karelasyon

Buntis na naman pala si Andi Eigenmann, at ang sinasabing tatay naman ngayon ng kanyang magiging anak ay ang boyfriend niyang si Philmar Alipayo. Iyong kanyang panganay na anak ay si Jake Ejercito naman ang tatay.

Sana naman magtagal na ang kanyang relasyon sa kanyang present boyfriend dahil baka may mabalitaan na naman tayong pangatlong anak niya na iba na naman ang tatay, hindi na maganda iyon.

‘Boycott’ ginagawa lang excuse ng mga pelikulang flop!

Malungkot mang isipin, walang pelikulang Pilipino na kumita nitong linggong ito. Sinasabi nila na kasi binoykot daw ang pelikula ni Robin Padilla. Binoykot din daw iyong pelikula ni Arjo Atayde. Eh iyong pelikula ni Gelli de Belen at Ariel Rivera, binoykot din ba?

Hindi kami naniniwala sa sinasabi nilang boycott ng mga pelikula kaya buma­bagsak. Bakit iyong pelikula ni Vice Ganda, ipinabo-boycott din nila, pero bakit kumita nang mahigit na 500 milyon, at naipalabas hindi lamang dito sa atin kung di ganoon din sa ibang bansa? Ano ang nangyari sa mga nag-boycott noon?

Huwag naman ninyong sabihing na-boycott din iyong iba pang entries sa festival kaya bumagsak. Masasabi ba ninyong na-boycott din ang pelikula ni Jose Manalo? Na-boycott din ba ang pelikula nina Elisse Joson at McCoy de Leon?

Hindi kami naniniwala sa boycott, ang totoo hindi nai-promote nang husto ang mga pelikulang iyan. At hindi lang iyan, marami pang mga pelikulang babagsak habang ang mga producer nila ay naniniwalang ok na sa kanila ang promo sa mga blogger at free ads sa Facebook. Magpapatuloy na bumagsak ang mga pelikula habang ang kanilang promo ay susulpot na para lang sakit ng tiyan isang linggo bago ilabas ang kanilang pelikula. Maling pagtitipid iyan.

Noong kasagsagan ng pelikulang Pilipino, nagsisimula pa lamang ang pelikula ay nalalaman na ng mga tao. Alam nila kung ano ang nangyayari sa shooting ng pelikula. Nasusubaybayan nila ang paggawa noon kaya alam nila na maganda. Ipina-iinterview ang mga artista. Hindi kagaya ngayon na parang itinatago pa. Masyado nilang inililihim ang mga proyekto nila, kaya ayan ang kinalalabasan, kalabasa sa takilya.

Iyang mga nagyayabang naman na bumagsak ang pelikula dahil sa boycott nila, huwag po kayong magyabang dahil babagsak talaga ang mga pelikulang iyan kahit hindi kayo nag-boycott.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with