^

Pang Movies

Marco hindi si Kisses ang binalikan!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Hindi ang ex-Pinoy Big Brother housemate na si Kisses Delavin ang binalikan ng kanyang ex ka-loveteam na si Marco Gallo na sinu­werteng makapagtrabaho sa Italy bilang isang fashion model.

 

Hindi man naging maayos ang pagkakabuwag ng tandem ng dalawa, dapat maging civil sila sa isa’t isa, lalo’t iisang mundo lamang ang kanilang ginagalawan, ang local showbiz. Binabalikan ni Marco ang kanyang pag-aartista dahil bago siya umalis ay may natapos siyang movie, ang Pamilya Blondina, tungkol sa isang pamilya ng mga half breeds na kinailangang bumalik ng bansa para humanap ng mapagkakakitaan dahil nadisgrasya at nawalan ng trabaho ang padre de familia.

Kung may babalikan ang ex-PBB housemate, baka si Juliana Gomez iyon at hindi si Kisses, ang anak nina Cong. Lucy Torres-Gomez at Mayor Richard Gomez na mas naka-close niya at nagkaroon pa sila ng mutual understanding for a brief time.

Pero bilang magkaibigan lang daw dahil mas focused siya ngayon sa kanyang pag-aartista at ayaw niyang masira ang kanyang concentration. Isang kaibigan din daw ‘yung inili-link sa kanya at sinasabing girlfriend niya sa Italy.

AiAi susubukang maging Rico J.

Siguradong babalahurain ni AiAi delas Alas ang concert niya with the Hitmakers na binubuo nina Marco Sison, Hajji Alejandro at Rey Valera na magaganap sa February 15 sa Resorts World Manila.

Magsisilbing kapalit ang komedyante ng namatay na si Rico J. Puno na siyang madalas na kasama ng tatlo sa mga concert tuwing ganitong panahon ng Valentine. Kulang man siya sa boses kumpara kay Rico J., babawi naman siya sa pagpapatawa. Hindi naman siya pahuhuli rito, berde man o hindi ang jokes.

Napag-uusapan na rin si AiAi, katulad ng partners na sina Liza Diño at Ice Seguerra, nag-iipon na rin ito, hindi ng pera kung hindi ng mga egg bilang paghahanda sa plano nila ng asawa niyang si Gerald Sibayan na magka-anak sa pamamagitan ng Invitro Fertilization.

Ruru bawal kay Bianca

Kay Kylie Padilla ipinapareha ng GMA-7 si Ruru Madrid, pero in reality ay hindi naman pinipigilan ng network ang paglago ng romansa ni Ruru kay Bianca Umali. On record pa sa social media ang mga romantic escapades ng dalawa.

Worried lang ang fans ng aktor na baka makaapekto ito ng hindi maganda sa TODA One I Love serye niya with Robin Padilla’s daughter.

Sana naman ay hindi, dahil unti-unti nang inilalabas ng aktor ang mga natatago niyang talento. Kumanta ito sa mediacon ng series na ikinagulat ng maraming present na media people.

Kathryn at Daniel tuloy pa rin ang hiwalayan

Huwag sanang magalit ang KathNiel fans sa Spring Films dahil balak nilang palawigin pa ang paghihiwalay nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pag-aalok sa kanila ng magkahiwalay na movies.

Si Daniel ay isasama kay Charo Santos sa plano nilang movie. Pinag-iisipan pa ang kay Kathryn but, definitely, they will have separate projects that will test their mettle as actors.

Balak din ng Spring Films na pagdirekin ng pelikula ang da­ting frontman ng Eraserheads na si Ely Buendia.

 

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with