^

Pang Movies

Kylie Padilla naiba ang pakiramdam nang maging misis ni Aljur Abrenica

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Kylie Padilla naiba ang pakiramdam nang maging misis ni Aljur Abrenica

Naikuwento ni Kylie Padilla ang naging kasal nila ng asawa niya na ngayong si Aljur Abrenica after ng mediacon ng bago niyang project mula sa GMA News & Public Affairs, ang political romantic-comedy series na TODA One I Love na nagpabalik sa KyRu loveteam nila ni Ruru Madrid. Hindi inilihim ni Kylie, na ang pagsasama nila nang hindi kasal ni Aljur at pagkakaroon ng anak nila ang dahilan kung bakit hindi naging maganda ang relasyon nila noon ng amang si Robin Padilla.

“Kaya naman nang ikasal na kami ni Aljur, nakita ko kung gaano kasaya si Papa,” sabi ni Kylie.  “Nakakatuwa nga, wala pa sana kaming balak ibunyag na kasal na kami, pero si Papa, siya ang nag-post sa kanyang Instagram live habang ginaganap ang wedding ceremony namin. Masaya rin ako dahil naroon siya, ang kanyang family at dumating din ang mga kapatid ko from Australia, si Queenie, Zhen-Zhen at Ali.

“After the wedding, ang daming blessings na dumating, at doon ko nalamang marriage is sacred. Tama si Papa, mas tumatag ang bonding naming mag-asawa, magical ang feeling. At sina Papa at Mama ko (Liezl Sicangco), ang advice sa amin, marriage is just a beginning. Nasa amin na ni Aljur kung paano namin paninindigan ang aming pagsasama ngayong blessed na kami ng kasal.”

At isa nga sa blessings na itinuring ni Kylie ay ang pagdating ng proyektong ito, ang TODA One I Love.

“Masaya ako dahil first time kong magko-comedy, nasanay na kasi akong gumawa ng mga drama series at kasama nga ang Encantadia. Naiiba rin dahil ginagampanan ko rito ang role ni Angela “Gelay” Dimagiba, isang strong-willed, independent young woman, na hindi pwedeng lokohin lamang ng mga lalaki, dahil kaya ko silang labanan.”

Kasama nga ni Kylie si Ruru at ka-love triangle nila si David Licauco. Sa direksyon nina Jeffrey Hidalgo at Nick Olanka, may world premiere na sila simula sa Monday, February 4, pagkatapos ng Onanay sa GMA 7.

Bulaga, matagal pang mapapanood sa GMA

Muling nag-renew ng contract ang longest-running noontime show, ang Eat Bulaga, sa GMA Network kahapon, February 1. Ang show ay nasa 40th year nang nagbibigay ng saya sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo at kasama sa tanghalian from Monday to Saturday.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with