^

Pang Movies

Elise walang inip factor

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Ang press preview kahapon ng Elise, ang Regal Entertainment, Inc. movie nina Janine Gutierrez at Enchong Dee na magsu-showing na sa Wednesday.

In fairness, nag-enjoy ako sa panonood ng Elise.

Ateng Salve, for sure, magugustuhan mo rin ang Elise kapag pinanood mo dahil wala itong inip factor.

Marami nga pala ang nagwi-wish na kumita ang pelikula.

Wala pa kasing local movie na kumikita simula noong January.

Sana nga ang Elise ang maging first local movie na mag-hit sa takilya ngayong 2019.

Marco hindi nagpakita ng kayabangan

Ang Star Magic artist na si Marco Gallo sa taping ng Tonight with Boy Abunda noong Thursday night.

Si Marco ang unang ka-love team ni Kisses Delavin, pero mukhang hindi sila nag-swak dahil kung anu-ano ang naging issue sa kanila at may tsika pang napaiyak ang dalaga dahil sa ugali raw ng binata.

Pagkatapos ng mga issue sa kanila ay ipinareha na si Kisses kay Donny Pangilinan at si Marco naman ay na-link kay Juliana Gomez at ito pa nga ang naging prom date ni Juliana na unica hija nina Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez.

Marami nga ang nag-aka­lang there’s something romantic going on sa dalawa, pero sabi naman nila, friends lang sila.

After ng pagkaka-link kay Juliana, pinag-usapan naman ang desisyon nj Marco na bumalik sa Italy.

Sabi, tinapos lang daw ni Marco ang kanyang pag-aaral at bigla niyang na-miss ang showbiz nang kunin siya sa isang meet and greet sa Rome.

Na-realized daw ni Marco na gusto pa rin niyang mag-showbiz kaya after almost six months sa Italy ay bumalik na siya ng bansa noong January 19 at binalikan ang career sa ABS-CBN.

Isa nga pala si Marco sa mga anak ni Karla Estrada sa Pamilya Blandina na magsu-showing na this month.

At ito, nakasabay namin ni Lani Misalucha sa dressing room ng TWBA si Marco and in fairness to him, lumapit, nagpakilala at bumati siya sa Asia’s Nightingale.

So, mali pala ang sinasabi ng iba na may kayabangan itong si Marco, huh!

Marco may kamandag pa rin

Alam mo, Ateng Salve, malakas pa rin ang sex appeal nitong si Marco Sison hanggang ngayon.

Sa presscon nga ng Hitmakers & Ai post Valentine concert, marami sa entertainment press ang nagsabing very charming pa rin siya.

Actually, marami nga akong mga kilala na may gusto pa rin kay Marco hanggang ngayon.

Anyway, excited si Marco sa Hitmakers & Ai concert nila nina Rey Valera, Hajji Alejandro at AiAi delas Alas.

Excited siya na magkakasama uli sila ni AiAi dahil noong nagsisimula pa lang ang comedienne ay nakasama na niya ito sa isang show sa Viena, Austria at sobrang galing na galing siya kay AiAi noon pa man!

vuukle comment

ENCHONG DEE

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with