Jessy Mendiola, tatlo ang planong anak kay Luis Manzano
Sa loob daw ng dalawang taon ay balak nang pakasalan ni Jessy Mendiola ang kanyang boyfriend na si Luis Manzano.
Nauna nang sinagot nina Jessy at Luis ang dalawang basher na nagsabing malabong pakasalan ng TV host ang aktres. Ayon kay Luis, may sarili silang time table ng girlfriend.
Sure raw siya na magiging mabuting asawa at ideal father si Luis. Plano raw ni Jessy na magkaroon ng at least three kids.
Right now, she is glad na busy siya sa kanyang trabaho bilang aktres. Mayroon siyang currently showing movie, ang ‘Tol kasama sina Joross Gamboa, Ketchup Eusebio at Arjo Atayde, with Mike Livelo, directing.
Like Luis, who, aside from his hosting job on TV, has several businesses, which include a fleet of taxis, she might turn entrepreneur too.
Gusto rin daw subukan ni Jessy ang retail business.
The Company eeksena sa Valentine
Si Annie Quintos ay founding member ng hanggang ngayon ay popular vocal group na The Company, na nabuo noong 1985.
Well, we had a talk with Annie kamakailan lang, dahil may Valentine concert sila ng tatlo sa kanyang mga ka-grupo, kabilang na sina Moy Ortiz at OJ Mariano, kasama ang Inspirational Diva na si Jamie Rivera.
Titled Jamie In Perfect Company, the concert will be held February 14 sa Music Museum. Ididirek ito ni Marvin Caldito.
Mga old hit ang kakantahin nila kasama na rin ang mga bago nilang kanta. “We will make sure na lovers, especially, will enjoy the show,” ani Annie.
Of Annie, she is married and has a 24 year-old son, na obviously may love din for music, pero hindi nangarap na sundan ang kanyang ina.
“Kung sabagay,” said a kibitzer, “kahit anak siya ni Annie, feel niya mahirap pantayan ang na-achieve na success as a singer ng kanyang ina.”
Hitmakers at AiAi, nangakong ‘di magsasapawan
Icons din na maituturing bilang singers ang mga tinaguriang hitmakers in their time, kung sabagay, hanggang ngayon, na sina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison.
May concert din sila, one day after Valentines’ day, so that’s February 15, 8 p.m. at the Newport Performing Arts in Resorts World Manila.
Makakasama ng hitmakers ang Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.
The group promises that laughter and music will dominate the entire hall, especially when all four of them perform together on-stage. They promise, though, not to outdo each other. Instead, they will work as a team to make the concert a hit.
Titled Hitmakers and Ai, the event is presented by Star Media Entertainment and Resorts World Music.
Boots gagawing libro ang makulay na buhay
To mark her 75th birthday (January 30) next year, nag-promise si Boots Anson na magsusulat siya ng sariling libro na tungkol sa kanyang buhay maging sa lovelife.
Rare nga namang maituturing ang pagpasok ni Boots sa showbiz, since married na siya (sa kanyang late first husband na si Pete Roa), nang magsimula siyang mag-artista.
Kung sabagay, maganda ang kanyang, kumbaga, credentials, since bukod sa maganda siya, campus popular figure siya sa U.P. kung saan nagtapos siya ng college.
Higit sa lahat, isang popular actor in his time ang daddy niyang si Oscar Moreno, na ang tunay na apelyido ay Anson. He hailed from Camalig, Albay.
Pete died in 2007. Boots married King Rodrigo, a lawyer in 2014.
Bukod sa paggawa ng pelikula at TV shows, abala rin si Boots sa pagiging head ng MOWELFUND, considered na SSS (Social Security System) ng mga taga-showbiz.
What keeps her most happy, though, ayon kay Boots, is being known as the wife of Atty. King.
Atty. King’s dad is the late Senator Francisco “Soc” Rodrigo.
- Latest