^

Pang Movies

AiAi gagamit na rin ng siyensiya para magkaanak!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Binulabog ni AiAi de las Alas ang Instagram nitong nakaraang mga araw dahil sa picture niyang naka-red swimsuit at tila hinahamon ang foreign singer na si Jennifer Lopez sa pagandahan ng katawan, huh!

 

Eh, produkto ng regular work out at pagkain ng organic food ang mapanatili ang magandang hubog ng katawan kaya maraming nagulat sa litrato niyang ‘yon. At siyempre, hindi nawala ang haters niya at nagsabing photoshopped ang pic niyang ‘yon, huh!

“Hindi photoshop ‘yon! Ang sinasabi nilang photoshop ay I think ‘yung isang JLo na nakapula, ‘yung JLongganisa.

“Akala nila photoshop kasi sa leeg, meron akong something so akala nila, hindi ako ‘yon. Ako ‘yon. Totoong…Si Edward de la Cuesta kumuha. Pero meron akong body stockings,

“Hindi ko naman kaya ‘yung kay JLO. Si JLO nga walang bra doon! Gusto ko lang siyang kumptensiyahin!” pahayag ni AiAi sa presscong ng Feb.15 concert niya with Hitmakers Rey Valera, Marco Sison at Hajji Alejandro. Siya humalili sa yumaong si Rico J. Puno.

So ano ang reaksyon ni JLO sa hamon niya?

“Ang tagal nga niyang sumagot! Ha! Ha! Ha! Sabi ko nga, ‘Teh, mag-react ka naman, please!” tugon ni Ai Ai.

Sa Feb, 15 ang concert ng Comedy Queen with The Hitmakers sa Newport Performing Arts sa Resorts World Manila at doon nila ise-celebrate ang V-Day after ng concert.

Eh recently, nagpalutang ang parter na sina Liza Diño at Ice Seguerra sa prosesong pinag­daraanan para magkaroon ng anak. Eh siya ba, ano ang resulta ng plano niyang magkaanak?

“May eggs akong sarili. Dami eggs ko, hello! Meron na, malapit na! Ayoko ma-pressure! Ha! Ha! Ha! Pumi-pressure akala mo 30 years old! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Ai.

By 2020 pa raw ang balak ni AiAi sumailalim sa proseso para maging maayos ang panganganak at wala siyang pakialam kung gumamit siya ng siyensiya para magkaroon sila ng baby ni Gerald.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with