^

Pang Movies

Nora ginawa lang na taga-awat!

Vir Gonzales - Pang-masa
Nora ginawa lang na taga-awat!

MANILA, Philippines — Marami ang nanghihinayang sa ibinigay na role kay Superstar Nora Aunor sa serye nilang Onanay. Parang hindi man lang siya nabigyan ng magandang exposure.

Puro na lang taga-awat ang eksena niya kina Kate Valdez, Jo Berry, Cherie Gil at Mikee Quintos.

Gabi-gabing napapanood ang nasabing serye, mas nauna pa ngang natapos ang serye nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa ABS-CBN kesa sa kanila, pero ang napapansin ng karamihan sa mga nanonoood, parang wala na raw patutunguhan ang istorya nito.

Asawa ko.. BI na raw sa mga manonood

Ayaw ng mga nanay na mapanood ng kanilang mga anak ang seryeng Asawa Ko, Karibal Ko na pinagbibidahan nina Kris Bernal, Thea Tolentino at Rayver Cruz. Paano ba naman kasi? Walang katapusang sumbatan at pagsasampalan ang puro ipinapakita rito. Ginagaya raw tuloy ng ibang mga bata kaya nababahala na sila.

Isa raw itong masamang halimbawa na mapanood sa telebisyon.

Monsour personal na pinili ni Gen. Bato

May special participation si Makati Congressman Monsour del Rosario sa pelikulang Bato: The General Ronald dela Rosa Story kung saan ang bida ay si Robin Padilla. Hango ito sa totoong kuwento ng buhay ni Gen. Bato. Mismong ito nga ang kumausap kay Monsour para mapasama sa naturang movie.

May action movie rin siyang malapit nang ipalabas. Sa ngayon ay bawal na ang exposure sa TV at movie ng mga kakandidatong artista dahil sa coming election.

Arjo ayaw mapahiya kina Angel at Maricel

Pasado ang acting ni Arjo Atayde sa bagong serye ng Kapamilya na The General’s Daughter kung saan bida si Angel Locsin.

Isang binatang may autism ang role ni Arjo rito, na alam naman nating mahirap gampanan. Imagine? Ngingiti-ngiti ka nang wala namang kausap.

Pinaghandaan daw talaga ni Arjo ang nasabing role dahil gusto niyang matuwa si direk Manny Palo na siyang kumuha sa kanya. Isa pa, ayaw din niyang mapahiya kina Angel at Maricel Soriano.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to January born :

Willie Revillame, Eric Quizon, Angelica Jones, Mark Anthony Fernandez, Luis Manzano, Ms. Ethel Timbol, Ian Fariñas, Mario Bautista, Shirley Pizarro, Shalala Reyes, Rannie Raymundo, Camille Villar, Joed Serrano, Twin Bothers Richard & Raymond Gutierrez at Josie Varilla Jimenez ng Sabang, Baliwag Bulacan.

                                                              

 

vuukle comment

NORA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with