^

Pang Movies

Robin nag-aalala sa mga stuntman

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Robin nag-aalala sa mga stuntman

Matindi ang paniniwala ni Robin Padilla na pagkatapos ng Bato: The General Ronald dela Rosa Story ay mare-revive kahit papaano ang interes ng moviegoers na muling tangkilikin ang action films.

Hitik daw sa aksyon ang pelikulang ito na base sa totoong kuwento ng buhay ni Gen. Bato. Bukod sa aksyon, inspirational din daw ito dahil common knowledge naman na nanggaling sa mahirap na pamilya ang nasabing Ge­neral, pero nangarap ito at nagsikap kaya umunlad ang buhay.

Ayon kay Robin, aware siya sa hindi maalwang buhay na dinaranas nga­yon ng mga stuntman kaya mas lalong tumitindi ang kanyang pagnanais na matulungan ang mga ito. “At sana, tulungan din kami ng ating mga manonood,” susog pa ni Robin.

Asked if in the future he would also venture into politics like Gen. Bato, and considering too, that both his father and lolo were Governor at one time of their respective province.

Ang kanyang ama na si Roy Padilla, Sr. ay naging governor ng Camarines Norte in Bicol. His Lolo Carlos Padilla, Sr. naman ay naging governor ng Bulacan.

Natawa si Robin sa tanong at sabay sagot na hindi raw. Ang kanyang kuya raw na si Rommel Padilla na tatay ni Daniel Padilla ay umentra sa pulitika and he is wishing well.

Pelikula nina Maris at Inigo millennial din ang target!

Anytime soon ay baka i-release na ang pelikulang I’m Elinya L., na produced by Spring Films, co-starring for the first time ang rumored sweethearts na sina Maris Racal at Inigo Pascual.

As we all know, ang Spring Films ay pagmamay-ari ng dad ni Inigo na si Piolo Pascual, Cornerstone management head, Erickson Raymundo at ni Direk Joyce Bernal.

Pang-millennial daw ang nasabing pelikula kaya sure ang mga producer na papatok ito sa mga kabataan ngayon.

Gen. Bato bilib sa hubog ng katawan ni Beauty!

Hanga si Gen. Bato sa hubog ng pangangatawan ni Beauty Gonzales na siyang gumanap sa role bilang ang kanyang asawa na si Nancy sa pelikula niyang Bato…

Napanatili raw ng kanyang asawa ang healthy na pangangatawan kahit na malalaki na ang kanilang mga anak. Maganda pa rin daw ang kanyang misis tulad noong nililigawan pa lamang niya ito.

Ang mga gumanap na anak ni Beauty sa Bato… ay pawang mga ka-edad niya lang sa tunay na buhay. Nasa 20’s pa lamang siya.

Beauty on her end, said, happy siya na sa kanya napunta ang role bilang leading lady ni Robin Padilla who plays Gen. Bato. Tagahanga raw kasi siya ni Robin.

Ayon pa sa kanya, sa nasabing pelikula raw ang kauna-unahang lead role na ginampanan niya sa movie. Para raw sa kanya, isa itong big accomplishment.

Busy sa ngayon si Beauty sa serye niyang Kadenang Ginto kung saan gumaganap siya bilang asawa ni Albert Martinez at nanay ni Francine Diaz.

In real life, Beauty has a two-year-old daughter, Olivia sa kanyang art connoisseur husband na si Norman Crisologo.

Robi gustong mamili ng mga condo na parerentahan

Hindi man natupad ang pangarap ni Robi Domingo na maging doktor, since ang kanyang mga magulang ay parehong doktor, biniyayaan naman siya ng talento sa pagnenegosyo.

Bukod sa pagiging abala bilang TV host, nakapagtayo na si Robi ng ilang mga negosyo with his younger brother helping him.

Meron na siyang events company which is doing very well. May franchise rin daw siya sa isang milk tea brand na sumisikat na rin.

He hopes to be able to buy a condo units na puwede raw sana niyang maparentahan, lalo na sa mga foreigner.

Where his lovelife is concerned, we all know na taken na si Robi. He maintains his friendship daw with his ex-girlfriend na si Gretchen Ho, who is doing well as a TV host din.

vuukle comment

ROBIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with