^

Pang Movies

Hindi maramot!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mabuti na lang, may Valentine show uli sina Martin Nievera at Lani Misalucha. Parang hindi complete ang Valentine’s Day kapag walang concert ang dalawa.

Sayang ang Hollywood career ni Martin na hindi natuloy dahil sa mga advance commitment niya. Siya dapat ang isa sa mga Wall of the World’s judges ng bagong global talent competition ng CBS na magsisimula sa February 3 pero hindi umubra ang kanyang schedule.

Anyway, kahit nawala kay Martin ang show, napasakamay naman ito sa kanyang ex-wife na si Pops Fernandez.

Hindi nawawalan si Martin ng mga concert sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa. Iba talaga kapag ikaw ang Concert King ng Pilipinas.

Ang sabi nga ni Martin Nievera, he will be singing up to his last day dahil pagkanta ang pinaka-precious na bagay na ginagawa niya.

I cannot imagine the music industry without Martin Nievera. Mula’t sapul type ko si Martin dahil napaka-sincere niya, napakabait at napaka-giving.

Walang inggit sa katawan si Martin, kahit sino gusto niya na kasama at nagbabahagi siya ng talent sa kahit na kanino. I will fo­rever be a fan of Martin, Mark Bautista and Marco Sison.

Sila ang mga singer na may puso, tunay makisama at napakabait. Hindi lang maganda ang boses nila, maganda rin ang kanilang mga puso kaya magandang awit ang hatid sa lahat nina Martin, Mark at Marco. Live on Martin Nievera. Your songs will always be a part of our lives.

TODA... nina Kylie at Ruru timing sa eleksyon

Malapit nang mapanood sa GMA-7 ang muling pagsasama nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa isang television series, ang TODA One I Love.

Marami na ang nasasabik sa reunion project nina Ruru at Kylie na nabuo ang loveteam nang umapir sila sa remake ng Encantadia.

Cute ang premise ng kuwento ng TODA One I Love kaya tinitiyak ko na magugustuhan ito ng manonood.

Very timely din ang airing ng Ruru-Kylie teleserye dahil malapit na ang election at med­yo may konting parody ang TODA tungkol sa midterm elections sa May.

Kapansin-pansin na magaganda ang mga binubuo na project ng GMA News & Current Affairs dahil kina­gat nang husto ng tele­viewers ang Inday Will Always Love You na very good.

At least, ipinapakita ng mga show ng GMA-7 ang iba’t ibang taste pagdating sa gusto ng viewers. Iba ang taste ng Entertainment Television at ang panlasa ng News & Current Affairs ng Kapuso Network kaya ang manonood ang makikinabang. Good project for Ruru and Kylie, another one from GMA News & Current Affairs. Congrats!!!

Daboy hindi malimutan ni Edu

How nice na hinding-hindi nakakalimutan ni Edu Manzano na si Rudy Fernandez ang nagbigay sa kanya ng project noong mga panahon na down na down ang pakiramdam niya.

Madalas na ikinukuwento ni Edu sa mga interbyu sa kanya na malaki ang naitulong ni Rudy noong may pinagdaraanan ang personal at professional life niya.

Si Rudy ang unang nagbigay kay Edu ng challenging kontrabida role sa action movie na pinagbidahan niya noong 1990, ang Kaaway Ng Batas. Mula noon, nagkasunod-sunod na ang mga movie project ni Edu at nakilala ito bilang versatile actor.

Kumakandidato si Edu na congressman ng San Juan City at kung nabubuhay pa si Rudy, sure ako na tutulong ito sa kampanya.

vuukle comment

MARTIN NIEVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with