^

Pang Movies

Beauty napasigaw nang makatrabaho si Robin

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Beauty napasigaw nang makatrabaho si Robin
Robin Padilla at Beauty Gonzales

Napasigaw si Beauty Gonzales nang makara­ting sa kanya ang balitang siya ang magiging leading lady ni Robin Padilla sa Bato: The General Ronald de la Rosa Story. Eh Bisaya ang asawa ni Gen. Bato, si Nancy, kaya naman sumakto ‘yon sa kanya.

Ayon kay Beauty, hindi niya na-meet at nakausap nang personal si Mrs. de la Rosa bago gawin ang movie.

“But our director, na­kilala ko na rin siya base sa kuwentu-kuwento,” rason ni Beauty sa pocket presscon at blogcon ng pelikula.

“Bato is charming and sweet ang loving mother to his kids. ‘Yung mga Bisaya, takot sa asawa nila ‘yan! Ha! Ha! Ha! Matatapang kasi. ‘Yun ang totoo!” bulalas ng aktres.

Kumusta namang nakatrabaho si Robin?

“It’s a privilege na makatrabaho siya dahil icon na siya. I’m very excited for him sa movie dahil siyempre, matagal na natin siyang hindi napapanood na nag-aaksyon. Doon ako excited,” saad pa ni Beauty.

Ayon kay Gen. de la Rosa na present sa presscon/blogcon, mayayaman daw ang naging karibal niya sa asawa. Pero nang minsang manligaw siya eh, isang malaking trak ng pang-military ang dala niya at ‘yung baril na hawak niya ay nilagyan niya ng three roses.

“Para mas may dating ako sa ibang suitors niya!” rason naman ni Gen. Bato.

Sa premiere ng movie ngayon gabi, manonood daw si Mrs. Nancy de la Rosa. Ano kaya ang magiging reaksyon niya pag nakita ang eksenang may halikan sina Robin at Beauty?

“Baka padagdagan pa niya! Ha! Ha! Ha!” sey ni Gen. Bato.

Tatakbong senator si Gen. Bato sa Mayo. Kung sakaling palarin, ang request ni Robin na tulong ng kaibigang heneral ay bigyan ng retirement plan ang nagtatrabaho sa movie industry.

Nabahiran ng pulitika, negosyante nagpapaka-low profile sa bagong investment

Gustong maging low profile ang isang negosyante nang pinasok ang pag-produce ng pelikula.  Sa pakikipagsosyo ng producer, kontrobersiyal agad ang pelikulang bahagi siya.

Ayon sa aming source, nabahiran ng pulitika kasi ang movie. Bago mag-invest ng pera, successful na siyang businessman.

Kaya naman gusto niyang protektahan ang sariling interes ng una niyang negosyo.

vuukle comment

BEAUTY GONZALES

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with