^

Pang Movies

Zion umiwas sa stingray

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Zion umiwas sa stingray

Sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at ang mga anak nila na sina Zion at Baby Kai sa Shangri-La The Fort kahapon.

Sumunod din sa kanila ang parents ni Sarah na sina Abdel at Esther Lahbati at dumating din ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama.

Tawa lang nang tawa si Baby Kai at si Zion naman ay nagkukuwento sa kanyang Lola Annabelle tungkol sa recent vacation nila sa Coron, Palawan.

Nakakita raw siya ng two baby stingray at umiwas siya at baka ma-sting siya.

Pero enjoy raw siya sa pagsu-swimming nila sa Coron.

Dina balik-ABS na naman?!

Tamang-tama at nasa Shangri-La The Fort na sina Tito Eddie at Tita Annabelle dahil pareho silang imbitado sa birthday party kagabi ni Dina Bonnevie sa Samba restaurant sa 8th floor ng nasabing hotel.

Imbitado rin ni Dina sa birthday party niya kagabi ang mga kasama niya sa Cain at Abel series ng GMA 7.

Malapit na nga palang matapos ang nasabing series at may mga nagdududa na baka bumalik na naman si Dina sa ABS-CBN.

May nakapagkuwento rin sa akin na may offer sa Kapamilya network si Dina.

Gloria importante ang role sa Los…

From ABS-CBN ay nag-GMA 7 si Gloria Diaz nang mapasali siya sa cast ng Pamilya Roces na 10 week lang yatang umere.

Balik-Kapamilya network uli ang first Miss Universe ng Philippines simula mamaya dahil papasok siya sa Los Bastardos

Last week pa nagsimulang i-plug ng Dos ang pagpasok ni Tita Glo sa Los Bastardos.

Obvious na importante ang role na gagampanan ni Tita Glo sa nasabing series dahil grabe ang plugging na ginagawa ng Dos sa pagpasok niya sa nasabing series.

Jessica, big time na sa Amerika

Si Ruffa Gutierrez at ang iba pang mga kaibigan ni Jessica Rodriguez sa birthday party ng huli sa isang kilalang Japanese restaurant/club sa Malibu beach sa California.

Bongga ang party na ‘yon ni Jessica.

Si Jessica ay nag-artista muna bago na-ging talent manager dito at ngayon ay based na siya sa California.

May birthday party rin si Jessica sa Cabo, Mexico kasama ang ilang mga kaibigan.

Big time na sa Amerika si Jessica, kaya masaya ang kanyang mga kaibigan para sa kanyang tagumpay roon.

vuukle comment

ZION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with