^

Pang Movies

AiAi proud sa narating ng asawa!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Very proud ang comedy concert queen na si AiAi de las Alas sa kanyang mister na si Gerald Sibayan dahil matapos itong magtapos ng Sports Management degree sa De La Salle University in 2016 ay nag-aaral naman ito ngayon sa pagiging isang piloto sa Asian Institute of Aviation.

Hindi hadlang sa pagmamahalan ng mag-asawang AiAi at Gerald ang malaki nilang age gap para maging successful ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, bagay na suportado ng tatlong anak ni AiAi in her previous relationships na sina Sancho, Nicolo at Sophia.

Looking forward si AiAi na makasakay ng eroplano na ang mister niyang si Gerald ang piloto.

Karen naka-dalawang beses muna sa binibini!

Sa media presentation pa lamang ng Miss Intercontinental 2019 candidates na nagmula sa iba’t ibang bansa around the world na ginanap sa Sofitel Philippine Plaza Hotel nung January 9, 2019 ay stand-out na ang kinatawan ng Pilipinas na si Karen Gallman.

True enough, si Karen nga ang nakasungkit ng korona at titulo sa coronation night na ginanap sa MOA Arena nung nakaraang Sabado ng gabi, January 26 hosted by Billy Crawford. Ito bale ang first time na nanalo ang Pilipinas sa 47 years history ng Miss Intercontinental na dapat sana’y sa Japan gaganapin.

Si Adriana Alvarado ang Costa Rica ang na­ging 1st runner-up habang ang Miss Slovak Republic na si Laura Longaurova ang 2nd runner-up. Pumasok naman sa Top 6 ang Colombia, Veitnam at Ethiopia sa Top 6 habang ang Myanmar at Indonesia ay nakatanggap ng special awards with Miss Argentina as Miss Photogenic and Miss Panama as Miss Congeniality.

Tulad ng ibang candidates, si Karen ay second timer sa Bb. Pilipinas. Una siyang sumali in 2012 kung saan lamang siya pumasok sa Top 15 pero nang muli siyang sumali in 2018 ay siya ang kinoronahang Bb. Pilipinas – Intercontinental kaya siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa ika-47th Miss Intercontinental na nagkataon namang sa Pilipinas ginanap.

Tulad ng kasalukuyang Miss Universe na si Catriona Gray na isang Fil-Australian, Filipino-Australian din si Karen na ang ina ay tubong Ubay, Bohol habang ang kanyang ama ay nagmula sa Brisbaine, Australia.

Ang panalo ni Karen sa Miss Intercontinental ay one week apart at kasunod sa panalo ng People’s Champ na si Sen. Manny Pacquiaco over Adrien Broner na ginanap sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada nung nakaraang January 19 kaya napakaganda ng pasok ng taon ng Pilipinas.

vuukle comment

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with