^

Pang Movies

Dennis tutok sa training ni Jennylyn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Mas gaganahan mag-training si Jennylyn Mercado para sa sasalihang Fuji Marathon dahil sinasamahan siya ni Dennis Trillo at sa nakita naming picture, sabay silang nagba-bike. So, hindi lang magiging cheerer ni Jennylyn ang BF dahil sa training pa lang dito, nakaalalay na si Dennis.

Nabanggit ng aktor nang mainterbyu namin siya sa taping ng Cain at Abel, sasama siya kay Jennylyn sa pagsali nito sa marathon bilang cheerer nito.

Naka-schedule sa November ang nasabing marathon, kaya may enough time pa ito para mag-train.

In fact, magagawa pa ni Jennylyn ang rom-com nila ni Gabby Concepcion sa GMA-7 na Love You Two at ‘yung psycho thriller movie na kanyang binabanggit na excited na niyang gawin.

Samantala, may bagong cookie flavour ang Chunky Dough cookie business ni Jennylyn na Chunky Nutella Overload. Mabibili for P209 perpiece at sa mga nag-react na mahal ang cookie ni Jennylyn, sagot ni Dennis, malaki ang isang cookie, imported ang ingredients at higit sa lahat, masarap.

Joko aminadong nakatsamba ng magagandang anak

Nakakuwentuhan namin sandali si Joko Diaz bago magsimula ang presscon ng Bato: The Ge­neral Ronald Dela Rosa Story. Nangumusta ang aktor sa mga reporter friends na sa presscon lang ng projects niya nakikita ang nakakausap.

Binanggit namin kay Joko na nakita namin si Nicole, ang anak niya kay Angelu de Leon at gandang-ganda kami rito. Nakita rin namin ang anak niya sa wife niya ngayon nang pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency dahil magsu-showbis na rin.

Sa sinabi ng mga reporter na magaganda ang mga anak niya sa magkaibng ina, ang sagot ni Joko, naka-tsamba lang siya.

Kung ang anak niya sa wife niya ngayon ay magsu-showbis na, si Nicole, ayaw pang payagan ni Angelu. Magtapos daw muna nang pag-aaral ang anak bago niya payagan. Pero malay natin na mag-iba ang desisyon ni Angelu at payagan din ito.

vuukle comment

DENNIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with