^

Pang Movies

Young actress takot maurirat sa relasyon!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Young actress takot maurirat sa relasyon!

Takot pala sa press ang isang young actress. Isinasama siya kamakailan ng boyfriend actor niya sa isang showbiz event.

 

Eh nang malamang maraming entertainment press sa event, umatras ang young actress na sumama. Matiyaga na lang siyang naghintay sa boyfriend sa isang kainan.

Siyempre, kapag nakita ang GF ng young actor eh, mauurirat ang relasyon nila ng boyfriend, huh!

Ice seryoso sa pagkakaroon ng anak

Determinado ang ma-partner na si Ice Seguerra at Liza Diño na magkaanak kaya sinimulan na nila ang pagtupad na bumuo ng baby.

Inilabas ni Diño sa kanyang Facebook dumaan siya sa proseso na “egg harvesting” para sa vitro fertilization.

Saad ng Film Development Council chairperson, “Today is the DAY. Ice’s eggs are gong to be harvested after a 12-day ‘turok sa bubot’ (butt injection) process.

“I’m here at the waiting room, and ngayon lang siya nagsi-sink in sa akin. We are really doing it and  today marks the first phase in our journey to have a baby.”

Proud na proud si Liza kay Ice na pursigido sa pagkakaroon nila ng anak.

“Siya lang yata ang transman na nagti-take ng estrogen (hahaha) but he is determined, WE are both determined that we are going to try to fulfil our wish t have a new member sa family. Amara’s (anak ni Liza) to have a sibling and Mommy C and Daddy Dick’s (parents ni Ice) na magkaroon ng sariling apo,” saad pa ni Liza.

Hindi agad nag-grow ang eggs ni Ice after four days pero nang matapos ang anim na araw ay nagsimula nang mag-grow ang eggs niya.

“Sobrang salamat talaga Lord kasi naniniwala kami na if it’s meant to be, mangyayari at mangyayari,” dagdag pa ni Diño.

Ang isa pang nangangarap na magkaroon pa ng anak ay si AiAi de Alas kay Gerald Sibayan kahit na gumamit pa sila ng siyensiya, huh!

vuukle comment

ICE SEGUERRA

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with