^

Pang Movies

Gelli nasobrahan ang akting

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Gelli nasobrahan ang akting
Gelli de Belen

Magaling na artista itong si Gelli de Belen. Walang duda ‘yan. Pero sa serye niyang panghapon na Ika-5 Utos sa GMA-7, nasobrahan naman yata ang akting niya.

Sa madaling salita, over acting. Namatay kasi ang asawa niya at hindi matanggap. Nangingibabaw ang boses niya sa kasisigaw.

Sabagay, utos na rin ng direktor ng said series. Kaya lang puwede naman na gawin niya na hindi yung over sigaw, ika nga diyan mo makikita o masusukat ang tunay na husay ng artista.

 EB maraming nadidiskubreng magagaling

Wala kang itulak kabigin sa mga beki na contestant sa isang portion ng Eat Bulaga na Bac Clash kung saan si Paolo Ballesteros ang host. Isa pa rin itong si Paolo, na isa ring certified beki.

Magagaling ang mga beki, magagaling kumanta at lahat ay biritera at parang mga real muheres, the way they dress up at super nakakatuwa ang jokes nila. Maganda ang mga timbre ng kanilang boses at masarap pakinggan.

Sa totoo lang, ang Eat Bulaga ang may mga build up & discovered talented singers at mga musician, like ang mga Broadway Boys, yung grupo ng young instrumentalist, mga dancer, at kung anu-ano pang talento sa musika.

Willie hindi nalilimutan ang pagkanta

At sa Kapuso pa rin! pati na ang Variety Show ni Willie Revillame na Wowowin ay ilang weeks nang puro mga talented in music ang mga contestant sa Will Of Fortune segment nila. Kung hindi kanta ay sayaw ang ginagawa nila.

Pampatanggal talaga ng stress kapag may musical segment ang isang TV show na pinapanood mo.

Ayon kay Willie, kahit siya raw ay nag-e-enjoy kapag sayaw or kanta ang ginagawa ng contestant. Dahil sa totoo lang, nare-relieve ang kanyang pagod, bukod sa mahilig din talaga siyang kumanta.

Halos lahat ng kinakanta ni Willie ay kompo­sis­yon ni Vehnee Saturno at ito rin daw ang nagko-coach sa kanya.

Female TV host hindi magawan ng paraan ang kasakangan

Huwag na sanang pansinin ang legs ng isang female TV host. Yun bang may pagka-sakang.

Kasi hindi ‘yan puwedeng ipa-opera maliban kung ipapuputol ang legs, baka mas lalong makasama sa girl. Respetuhin natin siya at huwag pintasan. Saka marunong naman siyang tumayo, mag-pose at maglakad. Baka magalit si Lord kapag namintas or manlait tayo. Maganda naman si girl maka-Diyos at makatao, yun ang mahalaga.

vuukle comment

GELLI DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with