^

Pang Movies

Magho-host ng Starstruck palaisipan pa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Ang dami talagang gustong mag-artista at nakita ito sa haba ng pila ng mga gustong mag-audition last Monday, January 21, sa Starstruck 7, pero gabi pa ng Sunday, January 20, mahaba na ang pila sa kahabaan ng 11th Jamboree Road sa GMA Annex. May mga pasado nang aspirants pero sa audition piece magkaka­kilalanan. Tuluy-tuloy ang daily audition from Mondays to Fridays until Febr­uary 15, 10am to 3pm.

Sa Saturday naman, January 26, ang simula ng nationwide audition sa Centris Ayala Mall in Cagayan de Oro City; January 27 sa Robinson’s Place, Butuan City. Sa February 9, sa SM City Legaspi at sa February 10, sa SM City, Naga City.

Hanggang sa ngayon wala pang sinasabi kung sino ang maghu-host this year ng reality artista search.

Ruru sumagot na sa totoong estado nila ni Bianca

“Hindi pa po kami ni Bianca (Umali)” ang sagot ni Ruru Madrid sa mga nagsa-sabing sila nang dalawa ng 18th year old Kapuso actress. “Close po lamang kaming dalawa dahil every Sunday, nagkakasama kami sa mga segments ng Sunday PinaSaya pero hanggang doon lamang kami dahil pareho kaming may separate projects na ginagawa ngayon. Focus muna kami sa mga respective works namin.”

Si Bianca ay kasama ang ka-loveteam na si Miguel Tanfelix at nagsimula na silang mag-taping ng Sahaya.

Si Ruru ay kasama naman ang ka-loveteam na si Kylie Padilla at nagti-taping na sila ng romantic-comedy series na TODA One I Love.

vuukle comment

STARSTRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with