^

Pang Movies

Barna ni Karla uunahan na si Liza!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Barna ni Karla uunahan na si Liza!

Dahil daw sa urong-sulong na mga desisyon tungkol sa gagawing pelikula ni Liza Soberano na Darna, headed by Direk Jerrold Tarog, posible raw kayang maunahan pa sila ng gagawing spoof ng nasabing pelikula na Barna ni Karla Estrada.

In fairness kay Karla, at 40, except na ‘di siya makapagbawas ng timbang, ang ganda ganda ng dating niya ngayon.

Kung sabagay, tulad nina Vice Ganda, Iza Calzado at pati na rin ni Melai Cantiveros, member si Karla ng mga ‘beautiful’ beauties ni Dra. Vicki Belo.

Martin, Kiko at Akihiro ni-rehearse ang ginawang laplapan

Bilib si Martin del Rosario kina Kiko Matos at Akihiro Blanco na pawang mga leading man niya sa peli­ku­la nilang Born Beautiful dahil walang kaarte-arteng ginawa ng mga ito ang torrid kissing scene.

At heto pa, hindi man lang sila kina­kitaan ng pandidiri o pagrereklamo ng mag-suggest si Direk Perci Intalan na magkaroon ng rehearsal.

Kung sabagay, iyong matinding halikan naman talaga nila ang inaabangan ng mga manonood eh, at pare-pareho silang professional.

And happily, at the press preview of Born Beautiful at the Sine Adarna in U.P., attended by members of the entertainment media, they all congratulated them for a job well done.

Born Beautiful is showing in theaters nationwide on January 23.

PBB grabe na ang drama

Kung totoo nga ang mga drama na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya na nangyayari sa kanyang housemates sa Pinoy Big Brother (PBB) Otso, there is every reason kung bakit dapat nga itong su­baybayan.

Mga true to life confessions from the housemates ang isini-share nila kay Kuya.

Tulad na lang ng nangyaring reunion kamakailan lang na finally ay nagtagpo na sina Marie at ang ina nitong 23 years niyang hindi nakita and vice versa.

It turned out na baby pa siya nang ipina­ampon siya ng ina na nangakong dadalhin at palalakihin siya sa ibang bansa. Pero ‘di ito natupad. Sa halip, isang lesbian ang umam­pon sa kanya. Na ‘di lang siya minahal na parang isang tunay na anak, kung hindi pinag-aral pa.

In any case, nang finally mag-meet silang mag-ina, they felt awkward na siyang naramdaman din namin as a viewers.

Mother and daughter nga pala were reunited with the help of four of Kuya’s male boarders na nagtiyagang i-trace ang whereabouts ng ina via social media.

Well, Kuya, thanks for a job well-done.

Manny at Willie pantay lang ng yaman?!

Sino kaya, Salve A., sa palagay mo ang mas higit na ma­yaman kina Senator Manny Pacquiao at Willie Revillame?

Kung properties ang pag-uusapan, waring pareho silang meron non. Kung mamigay ng pera sa kanyang contestants si Willie sa show niyang Wowowin, winner man o hindi, aakalain mong namumulot lang siya ng pera.

Hindi katulad ng karamihan sa atin na kailangan mag-trabaho, sometimes pa nga to the max, to earn a little more than enough.

In his recent victory over a fellow international boxer Adrien Broner, Manny reportedly added a cool P1 billion pesos to his personal coffer.

Angel parehong close kina Edu at Maricel

Kung mananatiling maganda ang relasyon nina Edu Manzano at Angel Locsin, na nagkamuntik-muntikanan na maging mag in-laws kung nagkatuluyan sana sina Angel at anak ni Edu na si Luis Manzano, nagiging close naman si Angel kay Maricel Soriano, who frankly admitted to members of the entertainment press that one of the reasons kung bakit pumayag kaagad siyang gawin ang bagong series na The General’s Daugther, ay dahil si Angel ang bida.

No need to remind pa that Maricel is a former Mrs. Manzano.

She and Edu were formerly legal wife and husband.

Of Luis and Angel, they are now currently both taken. Posible raw na ikasal this year si Luis sa girlfriend na si Jessy Mendiola.

In the case of Angel, mukhang happily in love siya sa movie producer and businessman na si Neil Arce.

vuukle comment

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with