^

Pang Movies

Jo Berry may kasunod agad na gagawin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jo Berry may kasunod agad na gagawin

10 months ago nang tanggapin ni Jo Berry ang role ni Onay sa heart-warming primetime series ng GMA-7 ang Onanay. Bago iyon ay ginampanan na ni Jo ang real life story niya sa Magpakailnaman ni Ms. Mel Tiangco.

Si Onay ay may bone growth disorder kaya hindi lumaking may normal height. Very positive sa buhay, nagkaasawa ng normal guy, nagkaroon ng dalawang normal daughters, sina Rosemarie/Natalie (Kate Valdez) at Maila (Mikee Quintos) pero nagsimula ang pagdurusa sa buhay nang ma-rape ng hindi kilalang lalaki, at ang panganay niyang anak na si Rosemarie ay kinuha ng biyenang si Helena (Cherie Gil), inilayo sa kanya at pinalabas na namatay ang bata pero may inampong anak, na ipinakilalang si Natalie. Katulong na nagpalakas ng loob at hindi sumuko sa buhay si Onay, ang inang si Nelia (Nora Aunor) at si Maila na minahal siya nang labis, at hindi siya iniwanan.

Now, itinuring na blessing ni Jo, ang mataas na rating nila at patuloy na tinututukan ng mga netizens gabi-gabi after ng Cain at Abel, sa paglaban nila kay Helena at nakakuha sila ng kakampi kay Atty. Lucas (Wendell Ramos) at sa kapatid ni Nelia na si Dante (Gardo Versoza). Bakit ganoon kalapit si Lucas kay Onay at sa anak nitong si Maila?

Blessings din na itinuring ni Jo na sa halip na one season lamang ang Onanay, nasa third season na sila ngayon. Biro tuloy kay Jo, mayaman na siya.

“Hindi po naman, sabihin na nating nakakaluwag-luwag na rin po,” nakangiting sagot ng diminutive actress. “Nakakatulong na ako nang malaki-laki sa family ko. Noon pong Christmas at New Year, nagkaroon kami ng mas masaganang handaan kaysa noong nakaraan. I’m really thankful to God for all the blessings He has given me.”

Biniro si Jo kung may lovelife siya ngayon. Inamin niya na nagkaroon na rin siya ng romantic relationships in the past, with tall, normal men, pero sabi niya, “Right now po, wala akong karelasyon. Mas focus ako sa work ko at mahirap silang pagsabayin. Siguro po, darating din iyon. Right now, mas concerned ako kung paano labanan si Helena at mapapayag ko si Rosemarie na sumama na sa akin.”

Another blessing na labis nang ipinagpapasalamat ni Jo ay may bago nang project na ibinigay sa kanya ang GMA, a movie naman, kahit hindi pa nila alam kung hanggang kailan pa ang kanilang teleserye.

“Hindi pa po ako allowed na ikuwento kung ano ang movie project na gagawin ko baka po ako mapagalitan, but I feel triple blessed na this time pa lang, and I’m really grateful to God.”

Starstruck start na ng pa-audition!

Gustong ninyong maging artista? Simula na ng audition para sa StarStruck 7th edition today Monday, January 21, sa GMA Annex Building, simula 10:00 am to 6:00 pm. Magdala lamang ng original at photocopy ng inyong birth certificate; two (2) recent photos – close-up at full body.

Kung wala pa kayong 18 years old, magdala ng certification na may pirma ng parent or legal guardian ninyo at photocopy ng kanilang mga IDs.

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with