^

Pang Movies

Angel at Maricel maraming gagawing pasabog sa pagbabalik!

Vir Gonzales - Pang-masa
Angel at Maricel maraming gagawing pasabog sa pagbabalik!

MANILA, Philippines — Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Angel Locsin ngayong nagbabalik na siya sa primetime sa pamamagitan ng bago niyang serye na The General’s Daughter pagkalipas ng limang taong pamamahinga sa paggawa ng serye at pelikula.

Matatandaang nakahanda na noon si Angel para gumanap muli bilang Darna pero dahil sa kanyang spine injury, ipinaubaya na lang niya ang nasabing role sa bagong Darna ng bagong henerasyon, si Liza Soberano.

Lumabas din siya sa seryeng La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan muli niyang nakatambal ang dating leading man sa Mulawin ng GMA-7 na ngayon ay Kapamilya na, na si Richard Gutierrez.

Isa rin si Angel noon sa itinanghal na pinaka-seksing babae sa balat ng Pilipinas, ngunit marami ang nagtatanong, tila raw yata napabayaan niya ang magandang pigura sa paglipas ng panahon? May balita pa nga noon na naantala ang pagpapalabas ng kanyang bagong serye dahil sa kailangang muna niyang mag-diet.

Tulad ni Angel, nagbabalik din ang Diamond star na si Maricel Soriano na namahinga rin ng medyo matagal. Huli siyang napanood sa big screen sa pelikulang My Two Mommies ni Eric Quizon.

Ngayon, sa kanilang pagbabalik, tiyak na kakaibang drama na naman ang ibibigay nilang dalawa.

Bukod kina Angel at Maricel, kasama rin sa cast sina Albert Martinez, Eula Valdez, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Paulo Avelino at JC de Vera.

Maligayang Kaarawan!

Birthday greetings to Janaury born stars: Hilda Koronel, Drew Arellano, Shirley Tesoro, Karen Villar, Mario Bautista, Ronald Rafer at Michael Vecerro ng SM Baliwag.         

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with