^

Pang Movies

James at Nadine may kakaibang paandar sa bagong album!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
James at Nadine may kakaibang paandar sa bagong album!
JaDine

Paandar ang bagong music video nina James Reid at Nadine Lustre na inilabas sa Instagram account ng Careless Music Manila na music label ng young actor.

Nakasaad sa ilang post doon na Careless Music Manila presents Summer – Nadine Lustre James Reid.

May pasampol na tila linya sa kanya sa IG na kasama ang magkayakap na picture ng lovers. “I feel there’s something with you, can I be your lover?”

May litrato si Nadz sa gitna ng tila lawa na seksing-seksi ang dating.

Sa mga posts, may nakalagay na January 20 na tila date ng labas ng music video ng YouTube channel ng Careless Music so abang-abang na ang fans ng dalawa na excited sa bagong music video ng mga idolo.

JoshLia bumigay sa Onanay?!

Tinapos na agad ang series nina Julia Barretto at Joshua Garcia, ang Ngayon At Kailanman. Paano naman kasi, hindi ito nakasabay sa lakas sa viewers ng katapat nilang Kapuso series na Onanay, huh!

Take note na bago ang series ng JoshLia loveteam, unang bumangga ang Bagani sa Onanay na pinagbidahan ng loveteam nina Liza Soberano at Enrique Gil pero hayun, sibak na rin sa ere!

Ngayong Lunes isang bagong series ang ilalaban sa Onanay. Mukhang bago at star-studded, huh! Of course, alam na agad ang konsepto nito base sa TV plus ng series. Binihisan lang ng bago pero ‘yun at ‘yun din ang tema.

Hay naku, isang little people na si Jo Berry versus maraming artista ang labanan this time pero may pruweba ang Onanay lalo na’t ilang beses na itong na-extend kaya hanggang one week lang ‘yan at lalaylay na!

 

vuukle comment

JADINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with