^

Pang Movies

Louise natakot ma-in love kay Xian

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Louise natakot ma-in love kay Xian

Hindi nag-deny sina Xian Lim at Louise delos Reyes na naging close sila sa shooting ng Hanggang Kailan sa Saga Prefecture sa Japan pero hindi raw nagkamabutihan ang dalawa.

Sinabi ni Louise na may respeto sila ni Xian sa respective partners nila kaya walang mabutihan na nangyari sa Japan at kahit maiinit ang kanilang mga love scene sa Hanggang Kailan.

Ikinuwento ni Louise na na-discover niya na palabiro at hindi seryosong tao si Xian kaya madalas sila na nag-aasaran sa set ng kanilang pelikula na showing sa mga sinehan sa February 6, 2019.

10 days na namalagi ang dalawa sa Japan. Na­ging close rin sila sa production staff na kasama nila sa shooting ng Hanggang Kailan sa Saga Prefecture.

Young actor tumangos ang ilong sa pagda-diet

Napansin ng fans na tumangos ang ilong ng young actor na iniidolo nila.

Memoryado ng fans ang mukha ng young actor dahil nang mag-umpisa ito sa showbiz, sinuportahan na nila kaya knows nila ang mga nagbago sa physical appearance ng kanilang idol.

Pansin na pansin ng mga faney na bukod sa tumangos, hindi na nakakalat ang ilong ng young actor na lalong gumuwapo sa pa­ningin nila.

Ang feeling ng fans, naimpluwensyahan ang aktor ng kanyang ama na gumanda rin ang shape ng ilong mula nang sumikat.

Sa panahon ngayon, normal na ang pagpaparetoke ng mukha ng mga artista na nahihirapan na mag-deny dahil ibang-iba ang itsura nila noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.

Kiyeme-kiyemeng nag-diet at nag-exercise ang brilliant excuse nila kapag pinupuna ang pagbabago ng kanilang mga physical appearance. Bibihira sa mga showbiz personality ang may courage na aminin na may mga ipinaayos sila sa mga mukha nila.

Farm ni Willie sa Puerto Galera parang nasa Amanpulo

Bongga ang beach resort ni Willie Revillame sa Puerto Galera dahil comparable ito sa world class Amanpulo beach.

Kung ako ang bakasyonista, bakit pa ako pupunta sa Amanpulo at gagastos ng dolyares eh mas malapit at matipid ang pagbabakasyon sa Puerto Galera.

Hindi pa naiisip ni Willie ang pangalan na ibibigay niya sa bagong property niya na under renovation para lalong gumanda.

Hindi sinabi ni Willie kung bubuksan niya sa publiko ang beach resort na kalahating oras lang biyahe kapag sasakay sa helicopter.

Hindi naman problema kay Willie ang pagpunta sa Puerto Galera dahil may sarili siya na helicopter at mga eroplano.

Siyempre, hindi puwedeng gamitin ang eroplano ni Willie sa beach resort niya dahil walang puwedeng lapagan.

Ang alam ko, hindi basta nakaparada sa hangar ang mga eroplano ni Willie dahil pinarerentahan niya ‘yon. Kung matatandaan ninyo, ang eroplano ni Willie ang ginamit ni Justin Bieber nang pumunta ito noon sa Tacloban para bisitahin ang mga biktima ng Typhoon Yolanda.

Sa totoo lang, can afford si Willie na mamuhay nang komportable at bongga dahil sa kanyang mga negosyo pero simpleng-simple pa rin siya. T-shirt, shorts at tsinelas lang ang kanyang outfit kapag wala siyang lakad na importante.

vuukle comment

LOUISE DELOS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with