^

Pang Movies

Pagbabati nina Claudine at Gretchen, malabo pa?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Mababasa sa Instagram (IG) ni Dominique Cojuangco (anak ni Gretchen Barretto) ang comment ni Claudine Barretto na “I luv u @dominique” na sinagot ni Dominique ng “@claubarretto love you.”

Ikinatuwa ng followers ni Dominique ang nabasa nilang short convo nina Claudine at Dominique at may nag-wish na sana maging okay na sina Claudine at Gretchen. Sa puntong ito, hindi nag-comment sina Claudine at Dominique.

Siguradong nabasa ni Gretchen ang post ni Claudine at sagot ng kanyang anak at ang matagal ng wish ng mga nagmamahal sa mga Barretto na magkasundu-sundo na sila. As of today though, hindi pa nangyayari ang wish ng marami.

Naalala naming noong okay pa ang mga Barretto, natanong si Gretchen kung bakit mas kamukha ni Claudine si Dominique at ang sagot nito dahil ‘yun sa ipinag­lihi niya ang anak kay Claudine.

Marian idinirek si Zia sa commercial

Successful ang first presscon ni Zia Dantes for Nido Advanced Protectus 3+ dahil game na game ang bata mula sa photo ops hanggang sa interview sa kanila ni Marian Rivera.

Iyon nga lang, after awhile at pagkatapos tanungin ang press people ng “do you like my commercial?” gusto nang mag-exit ni Zia para maglaro.

Hindi siyempre sinagot ni Marian ang sagot tungkol sa talent fee nila ni Zia dahil bawal. Kinuwento rin ni Marian na naging director siya sa TVC shoot at ipinagaya na lang kay Zia ang gagawin na ginawa naman ng bata.

Nabanggit din ni Marian na ready na sya sa pagdating ng baby boy nila ni Dingdong at ipinagmalaking nakatipid siya.

“Tsinek ko ang mga niregalo kay Zia ang dami pang hindi nagamit. May crib pa at car seat at ibang gamit ire-recyle ko na lang ang ibang gamit, kaya makakatipid kami,” sabi ni Marian.

Sa tanong kung may napili na silang pangalan for their baby boy, “wala pa” ang sagot ni Marian.

May dalawang pangalan na raw silang napipili, pero si Dingdong naghihintay pa ng isang pangalan para tatlo ang pagpipilian niya.

Kim tumutulong kina Xian at Louise

Sa February 6, na ang showing ng Viva Films movie na Hanggang Kailan, tampok sina Xian Lim at Louise delos Reyes sa direction ni Bona Fajardo.

Break up movie raw ang Hanggang Kailan at malalaman kung bakit ‘pag napanood ang pelikula sa nasabi naming petsa. Malalaman din kung bakit maraming hugot sina Xian at Louise sa trailer ng movie.

Parehong in a relationship sina Xian at Louise, kaya walang fans nina Xian at Kim Chiu ang nang-aaway kay Louise.

Very much in love rin si Louise sa BF niya ngayon at very open ang aktres sa relasyon nila ng BF sa kanyang socmed account.

Kaya, kahit siguro may kissing scene at kahit love scene pa sina Xian at Louise sa Hanggang Kailan walang magiging isyu.

Saka ibinalik ni Kim ang suporta ni Xian sa One Great Love nila nina Dennis Trillo at JC de Vera dahil pinu-promote ni Kim ang Hanggang Kailan.

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with