^

Pang Movies

Alden inaabangan ng mga senior citizen sa kanyang resto!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Well-secured na ang pamilya ng pambansang bae na si Alden Ri­chards dahil hindi lang sa TV siya umaarangkada kung hindi pati na rin sa mga commercial, endorsment, mga international show, at iba pa. Pero yung mga restaurant, patok na patok gaya ng Concha’s sa Tagaytay City at sa Timog, Quezon City.

 

Nakita namin na ang daming kumakain sa restaurant nila dito sa branch nila sa Quezon City. Sabi pa ng mga senior citizen na nakasabay namin sa said resto, sana raw ay makita nila si Alden doon.

Mayroon na rin siyang bubuksan na kainan sa may Biñan, Laguna na sila naman ni Maine Mendoza ang endorser nito. Soon to open na ito! Pero mas nauna nang nagkaroon ng franchise si Maine sa Bulacan.

Sadyang masarap magluto ang lola ni Alden kaya nagka-idea siya na gawing business ito at nagbunga naman.

Sana makapagbukas din siya ng Concha’s dito sa Santa Rosa, Laguna na kung saan isa siyang legit son ng Golden City. Why not, ‘di ba?

Botohan sa PMPC nairaos na!

Nakaraos ng maluwalhati ang election ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Friday night.

Congratulations sa lahat ng mga winner, mga same old faces. Anyway, okay naman ang election, at ang dasal ko lang ay genuine unity ang mangyari sa club na super close sa aking puso, being one of the founders and former president.

Kahit nagkakaroon ng mga balitaktakan ang members, natural lang ‘yan, syempre open naman na magtanong at magsagutan, basta’t wala lang pisikalan o sakitan.

This time natapos na ang election, napo-foresight ko na, na magiging maganda ang takbo ng PMPC sa ilalim ng nahalal na mamumuno ng ating samahan.

Sana gabayan tayo ng Poong Maykapal na mas lalong maging credible tayo dahil almost 36 years na ang ating samahan. Maging matibay lang, atupagin natin ang pagsusulat ng kaganapan sa loob ng club.

Huwag natin hayaan na sakmalin tayo ng iba. Long live the PMPC. God bless us all!

Dennis tinuruang maging tomboy ang dyowa!

Sa nakaraang episode ng Magpakailaman na hosted by Mel Tianco ng GMA-7, nasaksihan natin ang kuwento ng isang lesbyana na umibig sa isang lesbyana rin.

Napakaganda ng performance ni Jennylyn Mercado na kapani-paniwala ang role na ginampanan.

Inaral niya ang kilos ng isang lalaki, pabuka-buka at pataas-taas ang paa na naka-walking shorts. Pati ang pagsuntok at pakikipag-away ay ensayado. Katuwiran niya, maganda ang role na iyon na bihira lang niyang gampanan.

Maaaring ginabayan siya ng kanyang boyfriend na si Dennis Trillo, feeling daw niya parang isang malaking achievement ang gumanap bilang isang tomboy sa nasabing programa.

Jinggoy at Bong marami pa rin ang supporters

Naunang nakalaya si former Sen. Jinggoy Estrada at sumunod naman si former Sen. Bong Revilla after more than 4 years sa detention center sa Camp Crame. Malinis na ang mga respected names nila. Move on na sila at kung anuman ang plano nila sa darating na May 2019 election, pag-aaralan nila. Aba, go back to Senado! Kaya pa ‘yan, marami pa ring supporters at isa na kami doon na naniniwala sa inyo.

This time, pag-uukulan muna nila ang mga mahahalagang bagay na makakatulong sa mga nangangailangan. Tingnan mo nga naman, pareho silang lalong naging handsome looking dahil pareho silang nag-lose weight!

vuukle comment

ALDEN RI­CHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with