^

Pang Movies

‘Something’ ni Coco sa dancer nabunyag

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
�Something� ni Coco sa dancer nabunyag
Coco Martin

Nagkaroon pala ng ‘something’ si Coco Martin sa isa sa mga member ng grupong Sexbomb dancers na si Cheche Tolentino.

Nang mag-guest kasi ang grupo ng mga dancer sa programa ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice last Sunday night kaya naungkat nakaraan nilang something with the actor na kinatawa ni Vice.

Dati naman talagang Kapuso si Coco bago pa bumongga ng husto ang career niya sa Kapamilya Network.

Teka ok na kaya sila ni Vice?

Nabalita noon na may silent misunderstanding kasi sila na medyo uminit nang nagbanggaan sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kani-kanilang pelikula.

Moira nagningning sa kasal

Kasal ang sikat na singer na si Moira kahapon.

Kinasal sila kahapon sa Tagatay ng singer ding si Jason Marvin.

Nag-effort talaga ang singer na magpapayat para nga sa kanilang kasal.

Nag-Kale diet siya tulad ng isa sa mga tumayong ninang niya na si Ms. Pinky Tobiano.

Effective dahil kahapon nang lumakad siya papunta sa altar, parang kumikislap siya.

Sakto ang pagkapayat niya at patunay na effective ang kale diet.

Gossip boy and Pretty Liar nag-enjoy sa halu-halo

Nag-enjoy sa halo-halo ang YOU (sa Netflix) stars na sina Penn Badgley and Shay Mitchell na nasa bansa para sa promo ng kanilang show.

As in na enjoy nila base sa kanilang IG post.

Ang laki ng ini-offer sa kanilang halo-halo ng Manila Peninsula.

Si Penn siyempre ay naunang tumatak ang role sa Gossip Girl habang si Shay ay sa Pretty Little Liars.

Kanta sa spotify ni Catriona biglang dumami ang listeners

Biglang taas din ng listeners ni Catriona Gray sa Spotify para sa kantang We’re In This Together.

Actually, last year pa nasa Spotify ang nasabing kanta, pero mas tumaas lang ang awareness nang maging Miss Universe nga siya.

Noon pa singer si Catriona.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with