^

Pang Movies

Uncensored version ng Born Beautiful pinagkakaguluhan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Uncensored version ng Born Beautiful pinagkakaguluhan!

It seems na ang daming interesadong mapanood ang uncensored version ng Born Beautiful, sa F­riday, January 18, at 4:PM sa UP Film Institute Film Center Cine Adarna.

One screening lamang ito kaya mahigpit ang in-charge ng distribution of tickets.

Noon pa lamang Friday, January 11, naglabas na sila ng notice na “Reservations Now Closed! Only walk-in slots available! Pumila nang maaga! Iri-release ang Walk-in Tickets at 4pm on January 18 at Cine Adarna.

Makakatanggap ng email ang mga may confirmed ticket r­eservations. Sorry, pero hindi po namin maa-accommodate lahat ng gustong magpa-reserve. Kung pasok ka sa banga at may reserved ticket ka, kailangang i-claim mo ito on Jan. 18, from 4pm to 5pm.  Kasi by 5pm waley na, lahat ng unclaimed na reserved t­ickets ipamimigay na sa mga walk-in guests para fair sa kanila!

Thank you sa overwhelming support mga bes! Kita tayo sa UP Cine Adarna this coming Friday, January 18.”

Klea nagti-training na para sa Bb. Pilipinas

Mukhang isa-isa nang natutupad ang mga dreams ni Kapuso young actress na si Klea Pineda, kaya inspired siya sa mga blessings na dumarating sa kanya.

“May magaganda po akong alaala at lessons noong 2018 para sa akin at sa aking pamilya,” sabi ni Klea. “I learned to look at things on a different perspective, at naka-focus ako sa mga pangarap na gusto kong maabot. At ngayon 2019, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para matupad lahat iyon.”

Hindi nga patatalo sa acting si Klea sa mga kasama niya sa cast ng Ika-5 Utos lalo na sa gumaganap niyang mommy, si Valerie Concepcion. Sobra na raw ang kasamaan ni Valerie as Clarisse, at kahit siya na anak nito ay nilalabanan niya, makapaghiganti lamang sa may kasalanan na sa totoo naman ay siya ang may kagagawan.

At 16, dream ni Klea na sumali sa Binibining Pilipinas at mukhang ngayon pa lamang ay inihahanda na rin siya ng GMA NetworK sa bagong gusto niyang puntahan. Last Sunday, isa siya sa napiling mag-muse sa mga basketball teams sa 44th PBA (Phi­lippine Basketball A­ssociation) season opening last na ginanap sa Philippine Arena in Bustos, Bulacan. Siya ang napiling muse ng Alaska Aces.

“Hindi ko po in-expect na makakasama kong mga muse ang mga sikat na celebrities,” sabi ni Klea na halata ang excitement nang rumampa na sila. “Hindi ko po alam na makakasama ko si Ms. Sharon Cuneta na endorser ng Magnolia at si dating Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa Ginebra San Miguel.”

Ngayon nga ay dahan-dahan na ring sinisimulan ni Klea ang pagti-training para sa Binibining Pilipinas. At sa palagay nga raw niya ay makakatulong sa kanya ang pagiging muse niya sa Alaska Aces.

vuukle comment

BORN BEAUTIFUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with