^

Pang Movies

Heart hindi extra sa sequel ng CRA

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Heart hindi extra sa sequel ng CRA

Sa totoo lang, pagkatapos ng ilang araw at saka lang namin napansin iyong sinasabing nagsimula na raw mag-shoot ng kanyang role sa pelikulang sequel ng Crazy Rich Asians si Heart Evangelista. Noong una naming marinig iyan ay hindi namin pinansin. Una, ano ba ang pakialam namin kung sumali rin siya roon. Pero matapos ang ilang araw, narinig naming malaki pala ang kanyang role sa pelikula. Hindi siya parang isang extra lang. Talagang kasama siya sa main cast ng pelikula.

 

Ibig sabihin, may pangalan siya sa billing ng pelikula, at hindi dinaanan lang sa closing billboard ang pangalan niya. Kung sakali man at magkaroon ng gathering ang cast ng pelikula, kasama siya sa picture dahil kabilang siya sa main cast.

Hindi masasabing para lang siyang talent ni Josie Shoemaker Tagle sa pelikula.

Iyan ang masasabi nating malaking bagay para sa isang artistang Pilipino. Kasi ibig sabihin niyan, talagang posibleng mapasok ng mga artistang Pilipino ang international movies. Kailangan natin iyan dahil sa totoo lang napakarami nating mahuhusay na artista, pero kakaunti ang mahuhusay nating pelikula.

Kailangan natin ang isang artista na magagawa iyong ginawa nina Nancy Kwan noong araw nang maging star sa Flower Drum Song, o iyong mga nagawa ni Toshiro Mifune. Nagawa na rin iyan ni Tetchie Agbayani noong araw, kaso B movies naman iyon kaya hindi rin masyadong napansin. Sa pagkakataong ito, si Heart ay nasa main cast ng isang mainstream movie.

Ang totoo sa paniwala namin ganyan ang dapat ginagawa natin. Iyong mga pelikula kasi natin, napakaliit ng budget kung ikukum­para mo sa ginagawa para sa world market. Natural ang kalidad ay hindi maisasabay sa mga higanteng pelikula. Pero ang mga artista natin, ang sinasabi namin ay iyong mga artista talaga ha, hindi pinasikat lang sa pralala, talagang puwedeng lumaban sa international stars.

Aminin natin, marami naman kasing stars na sumikat dahil lang sa “bayad na pagsasahimpapawid”.

Hindi sure kung masisingit si Liza, Ricci naakusahan agad mayabang!

Huwag naman ninyong laitin nang ganoon na lamang si Ricci Rivero. Aba katakut-takot na lait ang inaabot niya ngayon dahil sa nasabi niyang ok na makipagtambal siya kay Liza Soberano kung maisisingit sa schedule niya. Baka naman hindi ninyo narinig ang buong interview. Bago iyon ay sinabi naman niyang “Liza is Liza”.

Ang bilis kasi ng reaksiyon ng iba eh, napakayabang daw sumagot ni Ricci eh flop naman ang kanyang pelikula na puro multo lang ang nanood sa sinehan. Huwag din siya ang sisihin kung flop ang pelikula. Napanood ba ninyo? Isa pa, nabalitaan ba ninyo na may ganoong pelikula? Ni wala silang commercial sa TV, at ang nababasa lang mga pralala, bukod sa postings sa social media.

Aminin natin ang katotohanan na si Ricci ay isang varsity player sa basketball, at hindi magtagtagal magsisimula na ang UAAP. Basta nagsimula na ang isang liga, ang basketball players buhos na ang panahon sa kanilang laro. Minsan nga kailangang nasa quarters na sila, hindi na nakakauwi man lang ng sarili nilang bahay. Ganoon katindi ang training ng mga athlete.

Palagay naman namin, walang masamang intensiyon iyong tao, o hindi niya minamaliit si Liza Soberano. Ang sinasabi lang niya matindi kasi ang schedule ng isang basketball player. Alalahanin ninyo, sinubukan lang ni Ricci ang pagiging artista. Basketball player pa rin siya. Natural iyon dahil mas may kinabukasan siya sa basketball. Hindi magtatagal nasa PBA na rin iyan, at mas malaki ang kikitain niya sa paglalaro kaysa sa mga low budget movies.

Nagkamali na nga siguro siya sa una niyang pelikula, pero baka naman may pag-asa pa rin. Pabayaan naman nating makabawi si Ricci.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with