^

Pang Movies

Boy Tokwa ni Jose hindi gumawa ng ingay!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Boy Tokwa ni Jose hindi gumawa ng ingay!

Parang hindi ko masyadong narinig ang feedback ng moviegoing public tungkol sa first local movie of 2019, ang Boy Tokwa: Lodi ng Gapo na pinagbibidahan ni Jose Manalo.

 

Kumita kaya ‘yon?

Sana naman, marami rin namang mga fan si Jose, lalo na ang viewers ng Eat Bulaga kung saan ay namamayagpag siya sa Juan for All, All for Juan segment.

Sana naman uli, ‘yung mga napuntahan na nilang barangay sa segment nilang ‘yon sa Eat Bulaga ay magsipagnood ngayong weekend para magkaroon naman ‘yon ng ingay, huh!

Pero ang pinaka-sana naman ko ay nasa sinehan pa sana ngayong weekend ang pelikula ni Jose at hindi pa na-pull-out huh!

Sayang naman kasi kung tuluyang hindi kikita ang pelikula dahil si Senator Tito Sotto pa naman ang producer.

Sayang din kasi parang hindi masyadong na-promote ang pelikula ni Jose at isu-showing na lang ang pelikula ay saka pa lang sila nagpa-presscon, ‘noh?!

Importante pa rin talaga sa isang pelikula na na-promote mabuti!

Right, Ateng Salve?!

Mariel mahilig magpakain ng mga asong gala

Mahilig sa dogs ang beauty queen turned actress na si Mariel de Leon.

Kahit sa stray dogs, hindi takot ang dalaga nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Noong isang araw ay nag-post siya sa kanyang Instagram story kung saan ay sinabi niya, “Ended the night by feeding some stray dogs”.

Katulad ni Mariel ay marami ring celebrities na mahilig sa dogs.

Si Ruffa Gutierrez nga, may dogs din sa kanyang bahay.

‘Yung isa raw ay sa kanya talaga at ang isa ay sa boyfriend niyang si Jordan Mouyal.

Jeron at GF nag-quality time sa Indonesia!

After the holidays ay nagkita ang mag-sweethearts Jeron Teng at Jeanine Tsoi sa Bali, Indonesia.

Parehong mahilig mag-beach ang dalawa, kaya sobrang enjoy sila.

Kung anu-anong fun activities ang ginawa nila roon including ang pagsi-zipline.

May pagkakataon din na nagpaligo sila ng ele­phant (na medyo maliit pa).

Noong Thursday pa bumalik ng bansa ang mag-sweethearts at pinaghahandaan na naman ni Jeron ang araw-araw nilang practice ng kanyang Alaska team sa PBA (Philippine Basketball Association).

Mga manonood ng laban ni Manny nagsisi-alisan na

Sa Wednesday magsisimulang mag-alisan ang mga celebrity at politicians manonood ng boxing fight nina Representative Manny Pacquiao at Adrien Broner.

Sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada magaganap ang nasabing boxing fight sa gabi ng January 19, kaya mapapanood ‘yon dito sa atin ng January 20 ng umaga.

Isa sa mga magpapalabas ng nasabing boxing fight ang GMA-7, kaya aalis na sa Monday ang isa sa lady executives nila na si Ms. Redgie Acuña-Magno na kilalang malapit sa ating Pambansang Kamao.

Ang politician na si Representative Toby Tiangco, sa Wednesday na rin ang punta ng Las Vegas. Kilalang napakalapit kay Pacquiao ng nasabing kongresista, kaya hindi siya katulad ng ibang politicians na pupunta roon para lang maki-epal, ‘noh?!

vuukle comment

JOSE MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with