^

Pang Movies

Christian laging iniisip ang asawa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christian laging iniisip ang asawa

Ngayon ko lang narinig nang malapitan sumagot si Christian Bautista. In fairness, impressed ako nang sumagot siya sa question about sacrifice na ginagawa ng married couple.

 

Kasi nga raw, when you get married you don’t think as one, kasama na sa lahat ng desisyon mo ang partner mo so may change na sa sked mo, sa ginagawa mo.

Dapat kahit ano pa ang desisyon, kasama na ang partner mo dahil unfair naman na sarili mo lang ang iniisip mo.

Di ba napaka-considerate niya? Napakalawak ng utak niya as partner?

Nakita ko ang level ng EQ ni Christian sa sagot niya. Magkasama sila ni Julie Anne San Jose sa isang concert ang Fun Night Only, kasama sina Tekla, Donita Nose at Clashers.

Mag-umpisa ito sa Iloilo, then sa Catbalogan at sure na dadalhin din ito ng Pinoy TV sa abroad. Alam na ng team nina Christian at Julie Anne ang mga gagawin para lalong lumigaya ang fans na manonood ng concert nila.

Lahat ng elements that will make a perfect concert that makes everyone happy, inilagay na sa Fun Night Only so I know, marami pang cities ang kukuha para magtanghal ang Fun Night Only.

Hurray, watch n’yo, Iloilo and Cagayan de Oro, then the US and Europe . Enjoy n’yo ang concert na ito.

Jackie naninibago

Isa ang karakter ni Jackie Rice sa mga inaabangan sa upcoming Kapuso series na TODA One I Love.

Ibang-iba kasi ang huling role na ginampanan ni Jackie sa Hindi Ko Ka­yang Iwan Ka na sagad sa buto ang kasamaan ng kanyang katauhan.

Sa TODA, bibigyang- buhay ni Jackie ang karakter ni Kapitana Tiffy na isang kikay na barangay chairman.

Malaki man ang pagbabago at matindi ang paghahanda na kinakailangan niya na gawin, masaya si Jackie dahil muli itong pinagkatiwalaan na maging bahagi ng  kaabang-abang na political series ng GMA-7.

Tiniyak ni Jackie na maraming aral ang matututunan ng Kapuso viewers sa kanyang karakter at sa kuwento ng programa.

“Before kasi, dumadating sa point na pumapatay ‘yung karakter ko. As Kapitana Tiffy, makikita sa character niya ‘yung politicians and people who are in power.

“Gusto kong [ang aral na] makuha ng viewers from the story [ang aral na dapat] ay kilatisin muna nila ‘yung tao bago sila bumoto.

“Dapat maging wise na tayo this time. Sana mas marami kaming maitulong sa voting public,” ang explanation ni Jackie tungkol sa role niya sa TODA One I Love.

Personal…

Naku Salve ha, ayusin mo talaga ang Globe cellphone ko dahil basta nag-text ako o sumagot, ang tanong agad, bakit Salve ang lumalabas na name? Grabe.

Pati si Dr. Hayden Kho, Jr. nang sumagot sa text ko, ‘Hi Manay/ Salve’ kasi nga ang akala niya, gamit ko ang phone mo.

Naku may identity crisis na ako, ano ginawa mo sa phone ko? Dapat ayusin mo or else ikaw ang magbayad ng Globe phone bill ko.

Sabi ni Carlo Orosa, sali raw ako sa Twitter. Sabi ko tanong ko muna si Salve. Baka sa Twitter mapaaway ako dahil sa kagagahan ko, advice mo muna ako Salve. (Naku Nay sa Apple ID ‘yan. Ayusin po natin ‘yan agad-agad. – Salve A.)

vuukle comment

CHRISTIAN BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with