^

Pang Movies

Maine namigay ng lechon sa senior citizen

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine namigay ng lechon sa senior citizen
Maine Mendoza

MANILA, Philippines — Marami ang humanga kay Maine Mendoza nang tuparin niya ang ipinangako niyang lechon na hiniling ng isang contestant sa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga. May kamahalan na rin kasi ang lechon ngayon na nasa 800 pesos per kilo. Can’t afford itong bilhin ng mahihirap.

Pinadalhan ng TV host/actress ang nasabing senior citizen.

Sa totoo lang, marami ng lechon sa bayan ni Maine na taga-Sta. Maria, Bulacan.

Abs maraming nakatambak na serye

Ano na ba ang nangyari sa Starla ni Judy Ann Santos na napabalitang ipapalabas na sa ABS-CBN?

Matutuloy pa ba ito o hindi na? Si Juday ang original teleserye queen noong araw kaya hindi dapat siya isnab-isnabin. Unbeatable ang tagal sa ere ng palabas nila ni Piolo Pascual.

Ang daming tambak na project ng ABS-CBN, ang problema ay kung paano at kailan naman ito maipapalabas.

May nag-suggest na sana ay tsugiin na ang mga seryeng wala namang magic sa manonood.

Kyline mas napansin sa GMA

Dating trying hard si Kyline Alcantara sa Kapamilya network pero noong makaramdam ng parang walang nangyayari sa kanyang career ay lumipat siya sa Kapuso.

Well, hindi nagkamali ang bagets dahil parang malapit na siyang maging reyna sa GMA.

Sunud-sunod ang mga project at ang latest ay isang seryeng pagsasamahan nila ni Therese Malvar.

Happy Birthday…

Birthday greetings to January born stars/personalities na sina Alden Richards, Nanay Licerna Lising Abunda, loving mama ni Boy Abunda, Ogie Diaz, Wowie Roxas, Barbara Perez, at Janiz Navida.   

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with