^

Pang Movies

Alden umaming nag-mature sila ni Maine nang maghiwalay

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Alden umaming nag-mature sila ni Maine nang maghiwalay
Alden Richards

Binigyan si Alden Richards ng orientation ni Maine Mendoza kaugnay ng franchise ng global food chain na kapwa nila ineendorso. Si Meng ang unang nagkaroon ng franchise nito at ang branch ni Alden ay nakaplanong buksan sa Easter Sunday located sa Biñan, Laguna.

“Mahirap pero masarap daw magkaroon ng franchise dahil malakas sa tao!” pahayag ni Alden sa entertainment press na dumalo sa thanksgiving lunch sa pag-aari niyang Concha’s Garden Cafe.

Pero hindi porke endorse siya ay may special treatment siya nang kumuha ng franchise, huh!

“Dumaan din kami sa regular process. Walang special treatment,” saad pa ng Pambansang Bae.

Kahit wala pang regular series / movie, mas maganda raw ang samahan nila ngayon.

“Mas close kami ngayon ni Maine at mas open to each other. Nakakatuwa ‘yung fans na rooting for us pa rin, showing their support regardless na magkaiba kami ng tinatahak na career as of the moment,” rason ng Pambansang Bae.

Kahit patuloy pa rin ang intriga sa kanila, mas tinitingnan niya ang magagandang nangyayari sa kanila ni Meng kesa pansinin lahat ang mga intriga.

“Kaming dalawa, pag walang unang nagkuwento, hindi namin tinatanong. With regards sa personal stuff naming dalawa, being a gentleman, hindi ako nanghihimasok sa personal niyang buhay.

“But if she’s willing to share, I am willing to listen. Mas mature na kami at nakatulong ‘yung paghihiwalay namin,” saad niya.

Pagdating sa personal niyang buhay, walang katotohanan ang balita. Pero sa career, kung sila ni Maine ang kukunin para magbida sa Pinoy version ng Korean drama na Descendants of the Sun, tatanggapin daw niya ‘yon.

But as of now, ang international shows ang uunahin niyang gawin, ang Eat Bulaga at Sunday Pinasaya, bago ang soap / drama at pelikula gusto niya ay dark ang character niya.

Anyway, sa nasabing thanksgiving, nagpaulan ng cash prize si Alden bilang paraan ng pasasalamat niya sa entertainment press na patuloy na sumusuporta sa kanya.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with