^

Pang Movies

Alden secured na ang future!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden secured na ang future!

Sinigurado ni Alden Richards na mas okay ang relasyon nila ngayon ng ka-loveteam na si Maine Mendoza.

“Actually, ngayon po, kaming dalawa ni Maine, mas close po kaming dalawa, mas open po kami to each other,” ani Alden sa tsikahan ng entertainment press sa kanya nang magdaos siya ng Thanksgiving Party for the press last Sunday.

Sobrang thankful nga rin ng aktor na nandiyan pa rin ang solid fans ng AlDub kahit magkaiba raw sila ng career path ngayon ni Maine.

“Nakakatuwa po kasi ‘yung mga fans na talagang rooting for us pa rin, na they’re showing their support regardless po kung magkaiba man kami ng tinatahak na career as of the moment,” ani Alden nang makatsikahan ng entertainment press sa Thanksgiving Party for the press na ginanap last Sunday.

Pero aminado rin naman siyang ang personal na bagay ay hindi naman nila napag-uusapan.

“Kami naman pong dalawa, as long as walang mauunang magkwento, hindi po naming tinatanong, so with regards po ru’n sa ibang personal stuff na­ming dalawa…”

Hindi siya nauunang magkwento?

“Hindi po.”

Hindi rin siya nagtatanong?

“Hindi po. Siyempre, bilang gentleman po, hindi naman po ako manghihimasok sa buhay niya pero if she’s willing to share, I’m willing to listen,” aniya.

Saad pa ng Pambansang Bae, mas naging mature raw sila ngayon ni Maine at malaki rin ang naitulong ng paghihiwalay nilang dalawa.

“Mas naging mature po kaming dalawa ni Maine. Being in the industry, siya being here for almost 4 years, ako po, being in my 8th year, almost 4 years na rin po ‘yung AlDub, siguro po, we’ve matured in a lot of ways na po.

“Nakatulong po talaga ‘yung paghi­hiwalay po namin pan­samantala. Ang dami po na­ming natutunan as indivi­duals,” he said.

A day after his birthday ay nag-post si Alden na he’s at his happiest now kaya naman may mga nagtatanong na baka may nagpapasaya na sa kanya ngayon.

Pero ayon sa aktor ay wala pa rin daw siyang love life ngayon at ang talagang nagpapasaya sa kanya sa ngayon ay ang magagandang  bagay na nangyayari sa buhay niya dahil natutulungan niya rin ang kanyang pamilya.

“In my 27th year, 27th birthday, ang dami kong tiningnan noong 2018 na nangyari sa buhay ko na sobrang daming magagandang blessings. Siguro kaya lang po ako talaga masaya, ang dami kong natutulungan dahil sa trabaho ko.

‘”Yung pamilya ko po, nadadala ko sa abroad because of my work. I’m able to secure my future. Unti-unti pong  nagiging maliwanag ‘yung future ko para sa family ko, ‘yung future nila. ‘Yung kaligayahan ko na lang po ganu’n kasi parang almost malapit na ako na unahin ko naman ‘yung sarili ko,” pahayag pa ng Pambansang Bae.

Masaya ring ibinalita ni Alden na magbubukas na ngayong Abril (probably Easter Sunday) ang kanyang first McDonald’s store na dati raw ay pangarap lang niya.

“Pangarap lang po ng pamilya ko ‘yan dati kasi may lagi po kaming kinakainan sa isang supermarket before. Akala ko po kasi dati noon, ‘yung McDonalds, hindi po ibinibigay sa… kumbaga, walang franchising, kung baga, galing siya sa company.

“Pero sabi ko, “sana one day, magka-restaurant kami na McDo kasi we’re really avid fans of the restaurant, eh, not the competition, so we’re very happy po.

“Hindi po ako makapaniwala, noong nakita po na ongoing ‘yung construction, nun’g nakita ko po ‘yung takip sa construction site na ‘McDonalds soon to open,’ doon lang po nag-sink in na talagang magkaka-restaurant na po kami,” ani Alden.

Si Alden at Maine ay parehong endorsers ng McDo at nauna nang nagkaroon ng franchise ang kanyang ka-loveteam kaya nga raw na-inspire rin siya na magkaroon ng sarili. Sa mga celebrities, silang dalawa pa lang ang may franchise ng nasabing fastfood chain.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with