^

Pang Movies

Angel tumulong sa netizen na namatayan ng anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Angel tumulong sa netizen na namatayan ng anak
Angel Locsin

Tinugunan ni Angel Locsin ang isang follower na humingi ng tulong via her Instagram nang i-post ng aktres ang bahay bakasyunang ipinagawa sa Talisayen Cove sa Zambales.

Naantig ang puso ni Gel nang sabihin ng netizen (@jadpaosantos) na kamamatay lang ng anak niya last November 21. Eh umabot ng milyon ang bayarin sa ospital bukod sa funeral service ng anak.

Para makalikom ng halagang pambayad sa ospital, isang fund raising ang ginawa ng netizen sa pagtinda ng bag worth P850.00.

Eh dahil may bag na iniendorso si Angel, pinadala na lang niya ang bayad sa sampung bags na ibinebenta ng netizen through her road manager.

Cristine solo flight sa California, Ali burado na talaga!

Awra muna si Cristine Reyes sa California bago sumabak sa trabaho. ‘Yun nga lang, solo flight ang seksing aktres, huh!

Wala mang kumpirmasyon, hudyat na ‘yung pagiging solo ni Cristine sa biyahe na goodbye Ali Khatibi na siya, her husband.

Ang anak niyang si Amarah ang pinagbubuhusan ng oras ng Viva star na proud siyang ipinaalam sa Instagram niya na marunong nang magsulat ng pangalan ang bata, mag-identify ng kulay at tracing lines.

Eh kahit hindi naging maganda ang ending ng relasyon sa asawa, para kay Cristine, “2018 has been such a happy and exciting year!”

Catriona tuloy sa pagpo-promote ng mga gawang Pinoy!

Tuloy ang pagpapakilala ni Catriona Gray sa gawang Pinoy kahit nasa New York City siya para sa kanyang Miss Universe duties.

Nang bumisita si Catriona sa Miss Universe headquarter sa NYC, suot niya ang isang skirt na may mother of pearls mula sa Tagakaolo tribe, huh!

Para sa bagong Miss Universe 2018, ang “2018 has been of the craziest, rollercoaster years of my life.”

Kaya naman handa na siya this 2019 dahil ito ang itinuturing niyang most unforgettable years ng buhay niya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with