^

Pang Movies

Sam at Catriona sa church nagkikita!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sam at Catriona sa church nagkikita!

Dinipensahan si Sam Milby ng manager niyang si Erickson Raymundo dahil binigyan ng malisya ang spotted pictures nila together ni Catriona Gray.

 

Paglilinaw ni Raymundo sa isang report sa social media, “People should not put any meaning to the photo because Sam and Catriona are also acquaintances and attend the same church and bible study group.”

Loveless man si Sam ngayon, in a relationship naman si Catriona sa model boyfriend na si Clint Bondad.

Nasa New York City ngayon ang Miss Universe 2018 bilang bahagi ng kanyang obligasyon bilang winner. Isa sa una niyang ginawa ayon sa post niya sa Instagram ay bisitahin ang office ng Miss Universe sa Big Apple.

Samantala, mananatili pa rin sa Bb. Pilipinas Charities, Inc ang franchise ng Bb. Pilipinas-Universe ayon kay Stella Araneta kaya naman nanahimik bigla ang kampo ni former Governor Chavit Singson na nabalitang hahawakan ang franchise.

Sikat na aktor nagpapapansin sa binatang anak ng celebrity

Nakakapagtaka ‘yung madalas na pag-hi ng isang lalaking anak ng sikat na celebrity sa social media account ng isang sikat na aktor.

Tuwing may bagong post ang aktor, naka-hi ang anak ng artista. Pero dedma lang naman ang guwapitong aktor at wala siyang reply sa bati ng anak ng artista.

Eh, lalaki naman ang dating ng anak ng artista. Ay, oo nga pala, marami ring mukhang lalaking artista but deep inside them ay iba pala ang sexual preference nila, huh!

Naku, dumarami na sila sa showbiz, Salve A, kung totoo ang aming hinala!

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with