^

Pang Movies

Mga regalong pagkain bumaha nung pasko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang Christmas 2018 yata ang pinakamarami na nagregalo ng food at mga sitserya. Nakakatuwa dahil ‘yung ibang mga produkto, negosyo ng mga showbiz personality.

 

Talagang bumaha ang mga bottled tuyo, bottled tinapa, cookies at pastries. Nakakatuwa dahil very practical ang mga regalo na imposibleng hindi kainin.

Ang cute ng combination ng regalo ng mag-asawang Ka Tunying at Rossel Taberna, tatlong bote ng tinapa, tuyo at taba ng talangka kaya talagang mapapakain ka ng kanin.

Thank you rin sa Kikay Girls nina Bambi Fuentes, Malou, Marlene at Pinky Tabiano na talagang they went out of their way to give us gifts.

Ang foodie na si Ms. Annette Gozon-Valdez, ang pagkain na na-discover niya na masarap ang kanyang annual Christmas gift.

Cute na basta ganitong okasyon busy ang young enterpreneurs kaya tulungan natin sila, from a small business na kapag lumaki, marami silang matulungan.

At maganda ang mga idea nila na nagbibigay ng pagbabago sa ilang mga produkto.

Gretchen naki-join sa giyera nina Nicko at Kris

Bongga si Gretchen Barretto dahil may unsolicited opinion siya tungkol sa legal battle ni Kris Aquino at ni Nicko Falcis, ang ex-managing director ng Kris Cojuangco Aquino Productions ni Tetay.

May-I-post ni Gretchen sa kanyang Instagram account ang screenshot ng article ng PEP tungkol kay Nicko na may naghuhumiyaw na title na “Nicko Falcis Swears Kris Aquino said: Papapatay ka ng Pamilya ko” na nilagyan niya ng caption na “I feel for Mr. Nicko Falcis after reading this article. I salute him for his courage to speak the truth, fight for his family name & reputation inspite of the threat to his life. No to bullies!!!! STOP POWER TRIPPING.”

I am very sure, knowing Tetay, hindi nito palalampasin ang mga pasabog ni Nicko dahil siguradong sasagot siya.

Tiwala sa mga doktor

Naku ha, first week of the year sa doktor ang una kong visit dahil na-trauma nga ako sa almost one month na ubo at sipon ko.

Talagang naloloka ako sa parang hazy na paningin ko dahil sa taas ng blood sugar ko.

Basta ang masasabi ko, complete trust ang dapat na ibigay natin sa ­ating mga doktor. Kung ano ang mga sasabihin nila, dapat na sundin natin na parang mga verse sa Holy Bible.

Noon ko pa naisip na malaki ang mga responsibilidad at nagagawa ng mga doktor sa buhay ng mga tao.

Bigla kong nai­sip na masarap na maging doktor dahil napakalaking bagay na pagkatiwalaan ka ng mga pasyente.

Naging magaganda at mga guwapo sa paningin ko ang mga doktora at doktor dahil mga life saver sila.

Iba talaga pag may power, iba ang dating kaya sa next life ko, type ko na maging doktora ako at sa kampo ng sundalo ako magpapadestino at maggagamot.

Bongga di ba? Maraming sundalo ang guwapo at ako ang muse nila. Type na type ko yan.

vuukle comment

PASKO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with