^

Pang Movies

Beauty queen turned showbiz personality, laging naloloko ng dyowa!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, parang naawa naman ako sa isang beauty queen turned showbiz personality.

 

Mukhang wala naman siyang suwerte sa kanyang lovelife.

Noon, may nakarelasyon siyang aktor, pero nauwi rin sa hiwalayan at si lalaki nga, happily married na sa isang aktres at ilan na rin ang mga anak nila.

Nang magka-boyfriend na isang politician si beauty queen, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila nang mabuking niya na may asawa pala ang pulitiko.

Sayang nga at mahal na mahal pa naman ni beauty queen turned showbiz personality, pero hindi nga inamin ni lalaki na may misis na ito, huh!

Feeling nga raw ni girl that time ay niloko siya ng lalaking ‘yon at lumabas na pumatol siya sa may asawa kahit wala naman siyang kaalam-alam, ‘noh?!

In fairness to the beauty queen turned showbiz personality, inosente talaga siya sa pagiging other woman pagiging isang KABIT, huh!

Anyway, lately, isa na namang politician ang nakarelasyon ni beauty queen turned showbiz personality.

Masaya sila at maraming nagsasabi na baka siya na nga ang pakasalan ng certified binatang politician, pero, teka! Ano kaya itong narinig ko na nag-end na raw ang relasyon nilang dalawa?

Oh, no! Oh, yes, ‘yan ang latest tsika ngayon, huh!

Pero hindi kaya kinaiinggitan lang ng iba si beauty queen turned showbiz personality kaya may ganoong tsika?

Eh, si politician kasi, bukod sa certified na binata, aba, super rich pa, ‘noh?!

Mabait naman itong beauty queen turned showbiz personality, kaya kapag nakita ko siya, uusisahin ko talaga tungkol sa tsikang ‘yon bago ko paniwalaan na certified malas siya pagdating sa kanyang lovelife, huh!

Sexy actress/singer na kahihiwalay lang sa ‘half-half’ na dyowa, naka-freeze ang kontrata sa mother TV network!

Tinatamad na ba sa kanyang showbiz career ang isang sexy actress/singer kaya panay ang bakasyon niya abroad?

O baka naman affected din si girl sa paghihiwalay nila kama­kailan ng isang half-half na nakarelasyon niya?

Hmph! Baka kung ano ang isipin n’yo sa half-half na sinulat ko – lilinawin ko lang na ang ibig kong sabihin ay half foreigner at half Pinoy ang lalaking nakarelasyon ni sexy actress/singer, ‘noh?!

Hindi nga umubra sa kanila ‘yung long distance relationship nila, huh!

Anyway, ang wish ko kay sexy actress/singer ay makahanap siya abroad ng bagong karelasyon dahil balitang magtatagal muna siya roon at “freeze” muna ang exclusive contract niya sa kanyang mother TV network!

Mother Lily tuloy ang arangkada sa 2019!

Nang makatsikahan ko si Mother Lily Monteverde noong New Year’s day, ang wish daw niya sa 2019 ay more movies pa ang i-produce ng kanyang Regal Entertainment, Inc.

At sana raw, tutal ay showing pa ang Metro Manila Film Festival 2018 entry niya na One Great Love starring Kim Chiu at Dennis Trillo, kumita pa ‘yon sa takilya!

Oo nga pala, si Mother Lily pa rin daw ang tututok sa kanyang mga pelikula dahil at 80 ay wala pa talaga siyang balak mag-retire kahit na palagi niyang dialogue ‘yun!

Ogie at Regine may tapatan sa Valentine!

Medyo napahinga ang mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid noong Holiday break at bukas pa lang daw magsisimula ang trabaho nila sa live episode ng ASAP Natin ‘To.

Sabi ni Ogie, pinaghahandaan din daw niya ang Valentine concert niya sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Siyempre, katapat ‘yon ng three night concerts ng misis niya with Vice Ganda sa Smart Araneta Coliseum, pero wala naman sa kanila ang mga ganoong tapatan!

vuukle comment

MOTHER LILY MONTEVERDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with