^

Pang Movies

Kinuyog!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Kinuyog ang isang netizen na nagkomento sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Tony Labrusca sa airport immigration officials kamakailan.

 

Lumabas ang komento ng netizen sa lumang Instagram account ni Tony na hinikayat siyang mag-apologize sa ginawa. Pero ang ikinagulat ng nakabasa ng komento eh ‘yung pahayag niyang, “And bro, your boyfriend (opo may boyfriend siya sorry ladies) even tried to pacified you but you just ignored him. Buti pa Dad mo nag-apologize in your behalf pero ikaw? Tall and proud...”

Eh nang siyasatin ng ilang netizens ang nasabing account, naka-private ang account at walang followers, huh! Fake account kumbaga kaya naman galit na galit sa kanya ang followers ni Tony, huh!

Naku, dapat nang buuin ni Luis Manzano ang recent shout out niya sa Instagram tungkol sa mga netizens na walang respeto sa mga tao lalo na sa mga celebrity.

“Social media has made too many of you comfortable with disrespecting people and not getting punched in the mouth for it,” post ni Luis.

Ilan kasing kakilala ni Lucky ang nagyaya sa kanyang mag-meeting upang pag-usapan ang tungkol sa social media trolls.

As of this writing, wala pang statement si Tony tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Michael Angelo ayaw sa pulitika

longest running sitcom ng GMA News & Public Affairs ang #MichaelAngeloTheSitcom na papasok na sa 13th season sa January 27, 2019.

Dating seminarista si MA (tawag kay Michel Angelo Lobrin) bago naging inspirational speaker at artista. Sa pagharap niya sa press, lumabas ang pagi­ging komedyante pero professor pa rin siya ngayon sa  De La Salle College at Manila Doctor’s College, St. Paul ng philosophy at theology.

Nadiskubre siya ng GMA sa pamamagitan ng kaibigang sina AiAi de las Alas, Dingdong Dantes at Mike Enriquez. Siya rin ang nagsulat ng librong Laugh With God Today at bumenta ito ng mahigit 10,000 copies at sa ngayon eh bumenta na ito ng mahigit 100,000 copies sa buong bansa.

“Pangarap ko po, magpari at mag-artista. Gumawa ako ng sarili kong show at ako ang nag-imbita ng mga artista. Pag nakilala na nila ako, iimbitahin na nila ako and I proved it right!” pahayag ni MA.

Ngayon ay on-going na ang preparasyon ni MA ng #MichaelAngeloHolyWeekDramaSpecials at magkakaroon din siya ng segment ng Holy Week Reflections.

Papasukin din niya ang pagpo-produce ng inspirational movies pero kahit magaling magsalita eh wala siyang balak pasukin ang pulitika kahit galing siya sa isang political clan.

vuukle comment

TONY LABRUSCA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with