^

Pang Movies

Anne at Heart hinulaang mabubuntis!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Anne at Heart hinulaang mabubuntis!

True kaya?

Day 4 of 365, at sunud-sunod ang sinasabi ng mga manghuhula tungkol sa bagong taon. Siyempre para mapansin sila, kailangan nilang maglabas din ng kanilang hula tungkol sa mga artista. Kung iisipin mo, suwerte ang mga artista, nananahimik sila pero hinuhulaan sila ng mga manghuhula. Aba eh napakamahal maningil ng mga manghuhulang iyan. Libo na ang singil ng mga manghuhula ngayon, at walang puhunan ‘yan, hula lang.

Sabi ng isang manghuhula, dalawang aktres daw ang magbubuntis at magkaka-anak ngayong 2019. Isa raw Kapuso at isang Kapamilya. Iyong description ng manghuhula, bagama’t kunwari ay ayaw pa niyang sabihin kung sino, ang tinutukoy ay sina Heart Evangelista at si Anne Curtis.

Magtataka ba kayo kung may ganoong hula eh pareho namang may asawa na sina Heart at Anne, at pareho naman silang nagsabing gusto na nila at handa na silang magbuntis. Kahit hindi gumamit ng baraha, kahit teks lang ang gamitin mahuhulaan iyan.

May hula pa, may isa naman daw aktor na dapat mag-ingat dahil malapit sa isang car accident. Kung wala namang maaksidente, tama pa rin ang hula dahil sasabihing “nag-ingat kasi ang actor”.

Pero sa mga Pilipino, ang hula ay isang form ng entertainment. Libangan iyan ng marami. Nagpapahula dahil wala naman silang ginagawa, at ang totoo naghahanap lang ng kuwento. Hindi naman ibig sabihin noon ay naniniwala sila sa hula. Marami rin kaming naging kaibigang mga ma­nghuhula, na noon ay sinasabing “among the best”, pero hindi nila kami nahulaan. “Kasi hindi ka naniniwala,” ang madalas na ikatuwiran nila sa amin.

Basta ang pinaniniwalaan naming hula, iyong sinasabi ng mga marketing strategists, na ang taong ito ay magiging maganda para sa industriya ng pelikula. Sinasabi nga nila, dahil sa tumataas na presyo at hindi kagandahang ekonomiya sa bansa, hahanap ang tao ng mapaglilibangan para makalimutan kahit na sandali ang mga problema, at malamang manonood sila ng sine. Iyon ang magandang hula.

Naniniwala kami sa kanila. Bakit nga ba hindi eh isipin ninyong nahulaan nilang dalawang pelikula lang ang kikita sa natapos na Metro Manila Film Festival.

Kim kailangang makabawi

Totoo ba na depressed daw kaya iniyakan ni Kim Chiu ang nangyaring hindi siya nanalo ng award kagaya ng hula sa kanya noong una, at tapos ay hindi pa masyadong kumita ang kanyang huling pelikula?

Hindi natin siya masisisi kung ganoon nga. Mahirap mabawi iyan. Tiyak  matatagalan bago siya magkaroon ng kasunod na project. Walang susugal agad sa isa pang project para sa kanya ngayong kagagaling lang niya sa isang pelikulang hindi box office.

Kailangan makabawi si Kim somewhere, para makasiguro na ang susunod niyang proyekto ay kikita naman kahit na papaano.

Miyembro ng K-Pop group na may sex video, dati nang suki sa paggawa ng gay porn!

Nagulat kami nang may magpakita sa amin ng isang sex video na ginawa ng isang member ng isang sikat na K-Pop group, bago naman daw sumikat ang kanilang grupo noon. May nagsabi namang ang member ng K-Pop group ay dati talagang gu­magawa ng mga gay porno sa Korea.

Kagaya rin pala siya ng isang member ng isang all male dance group naman dito sa atin na dati ring gumagawa ng gay porn.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with