^

Pang Movies

Jessy at Alex, nagpanooran ng kanilang pelikula

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa Seoul, South Korea nagbakasyon sina Luis Manzano at Jessy Mendiola at bago pa nag-post ng photos ang magdyowa, nalaman na ng netizens na umalis sila dahil kay Edu Manzano.

Nag-post kasi si Edu ng photo nila ng mga anak na sina Addie at Enzo at nabanggit na si Luis na lang ang kulang.

Sumagot si Luis na pagbalik niya, makikipagkita siya sa mga kapatid at sinagot siya ni Edu ng “@­luckymanzano we’ll miss you & Jess.” Kaya inabangan kung saan nagpunta sina Luis at Jessy.

Anyway, ang ganda ng convo nila Jessy at Alex Gonzaga na parehong may entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Alex, panonoorin niya ang The Girl in the Orange Dress at ayon naman kay Jessy, panonoorin nila ni Luis ang Mary, Marry Me pagbalik nila from their vacation and by now, nakapanood na siguro sila.

Nagpasalamat si Jessy sa lahat ng nanood ng The Girl in the Orange Dress at sa good reviews na nakakataba ng puso. Wish nitong sana nakaiwan ng magandang memories sa moviegoers ang pelikula nila ni Jericho Rosales at produced ng Quantum Films at MJM Films.

Kyline at Therese, sasabak na sa kantahan

Kantaserye nga ang bagong Afternoon Prime ng GMA 7 na Inagaw na Bituin dahil maraming song number ang cast. Bukod sa duet nina Kyline A­lcantara at Therese Malvar, may solo song number din si Kyline at nag-recording na siya dahil malapit na ang airing nito.

Ni-record na ni Kyline ang mga kantang Ako ang Bituin at Kinang na sabi nito, na-challenge siya sa recording dahil hindi siya biritera.

Nakuwento rin nina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz na gumaganap na ina nina Kyline at Therese respectively, sila man ay kakanta sa Inagaw na Bituin dahil singer-actress ang role niya (Sunshine) maging si Angelika. Kinakabahan, pero excited ang dalawa na mag-recording na dahil tunay nilang boses ang kanilang gagamitin at wala silang ghost singer.

Zia may tropa na sa isla

Panalo sa netizens ang pinost na photo ni Dingdong Dantes ni Zia habang nasa surfing board at nag-aaral mag-surf.

May photos pa si Zia kasama ang dalawang bata sakay pa rin ng surfboard at sabi ni Dingdong, “island friends” sila ni Zia sa Siargao.

Pinuri ang pagpapalaki nina Dingdong at Marian Rivera kay Zia na hinahayaang makipagkaibigan sa mga bata sa pinupuntahan nilang lugar and let her try things na kung ibang magulang, hindi papayag.

Gaya na lang ng surfing at sa facial expression ni Zia habang nasa surf board at humahanap ng balanse, mabilis itong matututong mag-surf. Ilang balik pa sa Siargao at surfer na si Zia.

vuukle comment

JESSY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with