^

Pang Movies

Alden at Maine may balikan!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wish granted na naman ang AlDub fans kahapon, January 2, sa 27th birthday celebration ni Pambansang Bae Alden Richards sa Eat Bulaga. Iyon ay pagkatapos na magkasama sina Alden at phenomenal star Maine Mendoza last January 1, sa first live presentation ng longest-running show for 2019 na may dance p­roduction number sila.

Napakaraming birthday cakes ang natanggap ni Alden mula sa mga fans niya here and abroad, kaya biro ni Joey de Leon, magtatayo raw ng cake store si Alden.

Magkasama na sina Alden at Maine sa Boom segment, as the financiers Boomgga Day at Boom Pawis. 

Mga related kay Alden ang mga tanong sa contest na special guests sina Mama Tenten, ang PA ni Alden, ang best friend na si Dion Ignacio at ang sister niyang si Riza Faulkerson. Si Riza lamang ang nakasagot sa mga q­uestions na tungkol sa mga song ni Alden sa kanyang record album.

Diretso sina Alden at Maine sa panel ng Juan for All All For Juan segment. At sa last segment na namimigay sila ng malalaking premyo sa Pasko, si Maine ang gift na ibibigay niya ay 30k at si Alden ay 50k, kaya lamang hindi pinalad makuha ng contestant ang pinili niyang 50k gift ni Alden. Sa kanyang Quezon City branch ng Concha’s Garden Cafe ginanap ang birthday dinner ni Alden

Ryza maraming hugot sa hiwalayan nila ni Cholo Barretto!

Totoo ngang hiwalay na ang dating mag-sweetheart na sina Ryza Cenon at Cholo Barretto. Hindi man nag-confirm si Ryza ng break-up nila, makikita naman sa kanyang Instagram story posted January 2, na wala na nga sila.

Post niya: “Note to self for 2019: Distance yourself from people who: 1. Lie to you. 2. Disrespect you. 3. Use you. 4. You cannot trust. 5. Do anything and make some story just to save their asses. 6. Take advantage of you. 7. Put you down. 8. Judge you.”

Dugtong pa ni Ryza, ang 2018 daw ay year of realization para sa kanya, marami siyang natutunan sa kanyang sarili at sa mundong ginagalawan niya, natutunan naman niya kung paano mag-react sa failures at overcome ang challenges na akala niya ay hindi niya makakaya. Marami raw changes s­iyang napagdaanan, happy and sad days, na nagmarka sa buhay niya. At ang mga lesson na natutunan niya ay ia-apply niya ngayong taong ito.

Panghuli ni Ryza: “Forgive yourself and grow. I, for one, am very glad you made it through another year. Congratulations. I know it hasn’t been easy.”

Nakilala naming lumalaban sa buhay si Ryza Cenon, simula pa noon dahil halos mag-isa lamang siyang namumuhay, kaya kung may pinagdadaanan man siya ngayon, tiyak na kakayanin niya ang lahat.

 

 

vuukle comment

ALDEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with