^

Pang Movies

Anak ng aktres nahuhumaling sa bokalistang baguhang grupo

#INTRIGA PA MORE - Pang-masa

Nahuhumaling daw nga ang anak na babae ng isang akres sa isang guwapitong singer na lead vocalist ng isang baguhang grupo. Kahit saan ang gig ng singer eh, nakabuntot doon ang anak na madalas tumili kapag nagsosolo nang kumanta ang singer.

Eh, hindi na aktibo sa showbiz ang ina ng dalaga pero kung datung ang pag-uusapan eh, mayaman sila. Pero once malaman ng ina ang pagkahumaling ng anak sa guwapitong singer, baka putulin niya ang kaligayahan nito.

Pero ang singer, dedma lang daw sa girl. Walang problema kung magustuhan siya ng anak ng aktres pero hindi naman siya mapagsamantala para patulan ang kabaliwan nito sa kanya, huh!

Nadine mainit ang pagsalubong sa 2019

Mainit na sinalubong ni Nadine Lustre ang 2019! Aba, naman, nagpasiklab na naman ang girlfriend ni James Reid nang mag-post siya ng picture na naka-two piece habang nasa San Juan, La Union, huh!

May separate picture naman si James habang nasa ibabaw ng surf board with matching caption na, “10,000 punches of gratitude for 2018.” At least, knows ni James ang salitang gratitude, huh!

Anyway, this 2019 eh, hiwalay muna sa love­team nila sina James at Nadine dahil hindi sila ang magkapareha sa ginawagang movie. Si Nadine, si Carlo Aquino ang kapareha sa pelikulang Ulan.

Si James naman ay todo ang training para sa action-fantasy niyang Pedro Penduko.

Tumodo last year, anne haharapin muna ang pagpapamilya

Walang dudang si Anne Curtis ang box-office star ng 2018 kung pagbabasehan ang kinita sa takil­ya ng tatlo niyang movies – Sid & Aya, Buy Bust at Aurora.

So na kay Anne na ang lahat ng rason para hara­pin naman niya ang pagkakaroon ng pamilya. This 2019, solung-solo na nila ng asawang si Erwan Heussaff ang haharapin ang bagong taon.

Anne’s career will take a backseat muna upang tuparin ang pangarap na magkaroon ng pamilya kasama si Erwan.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with