^

Pang Movies

Coco level up sa pinakitang ugali sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Coco level up sa pinakitang ugali sa MMFF
Coco Martin

Ibang klase talaga si Coco Martin. Siya lang ang kauna-unahang artistang nakita naming nagpo-promote pa ng ibang pelikula sa festival. Karaniwan walang binabanggit kung ‘di ang pelikula lamang nila. Minsan nga ang mga kalaban nilang pelikula ipinaba-ban pa nila sa kanilang TV shows. Pero si Coco Martin, siya pa mismo ang nakikiusap sa kanyang followers na panoorin din ang iba pang mga pelikula na kasabay ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles sa festival.

Pinuri rin niya ang pelikula ni Vice Ganda, na siya nilang kalaban bilang top grosser at nagpahayag siya ng katuwaan dahil minsan pa napasaya natin ang Pilipinas. Aba eh masasabi mo nga naman talaga na pinasaya nila ang mga Pilipino, dahil maliwanag sa resulta na nagustuhan ng publiko ang kanilang ginawang pelikula.

Iyong pelikula kasi nila, hindi ginawa para sa isang sektor lamang. Ginawa ang mga pelikula nila para sa buong pamilya, kaya buong pamilya rin ang nanood.

May mga pelikulang ginawa para lang sa mga mag-syota. May mga pelikulang ginawa para lang sa gustong takutin ang sarili nila. Mayroong pelikulang ginawa lamang para sa mga bakla. Pero sila ang na­ging target nila ay general audience kaya nakalamang na naman sila sa takilya.

Pero iyang ginagawang ‘yan ni Coco, pagpapakita iyan ng concern para sa industriya ng pelikulang Pilipino. Tingnan ninyo, ang pelikulang ginagawa niya ay sinisiguro niyang may kalidad. Ngayon la­mang nakakuha ng A rating ang ganyang klase ng pelikula. Parang ngayon nga lang na­ging rated A ang pelikula ni Vic Sotto. Kasi nga ginawa nang maingat at talagang inisip ang kalidad. Hindi rin natin maitatanggi na malaking factor doon si Coco, dahil ang creative team niya ang nagtrabaho nang husto. Sana ganyan ang maging ugali ng lahat ng mga artista.

Richard Merk maraming pinakisama

Natawag ang aming pansin ng beauty queen, aktres at singer ding si Rachelle Anne Wolfe. Nananawagan siya dahil ang kanyang kapatid na si Richard Merk ay nasa ICU pala ng Medical City dahil sa nangyaring atake at sinasabi nga niyang medyo malubha ang kalagayan ng kanyang kapatid. Sinabi niyang hindi niya nakasanayan iyong ganyang pananawagan, pero naniniwala siya na sa halos 50 taon ng kanyang kapatid sa showbusiness, marami naman iyong natulungan in the past, at wala namang masasabing wala siya sa ayos bilang isang alagad ng sining.

Tumugon ang buong industriya at ang fans sa kanyang panawagang iyan kaya balitang stable na ang lagay ni Richard.

Miyembro ng isang all male dance group sa ibang bahay na nakikitulog

Bagong taon may tsismis agad. Nag-post pa mismo ang isang member ng isang all male dance group ng kanyang pictures na mukhang bagong gising, pero maliwanag na hindi iyon sa bahay niya. Mukhang sa bahay ng iba. Kung kaninong bahay iyon ay hindi natin alam, pero iyan kasing dancer na iyan ay may kakaibang reputation eh. Pogi naman siya, at ginagamit niya iyon. Marami siyang mga kaibigang ba­ding na lahat halos ay may tsismis tungkol sa kanya.

Bagong taon, bagong tsismis agad.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with