^

Pang Movies

Richard, asang-asa kay Jennylyn

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Richard, asang-asa kay Jennylyn

Alam mo, Ateng Salve, kahit first day of 2019 kahapon, rumampa na ako!

First stop, sa The Peninsula Manila sa Makati City kung saan nag-stay overnight sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai.

Nag-late lunch ako kasama ang mag-lovey-dovey.

Naikuwento nga nila na sobra silang nag-worry dahil may fever si Baby Kai.

Ang advice sa kanila ni Annabelle Rama, paggaling ng The Peninsula Manila ay ipa-check-up si Baby Kai sa Makati Medical Center.

Pero tinawagan nila ang doctor ng bata at baka epekto lang daw ‘yon ng vaccination kay Baby Kai noong isang araw o ng sobrang ingay raw sa nasabing hotel noong New Year’s eve.

“Medyo okey na rin naman si Kai, baka nga dahil lang sa vaccination niya the other day or sa ingay kagabi,” sey ni Sarah.

From The Peninsula Manila nga raw at dederetso na lang sila sa bahay ng mga Gutierrez sa Quezon City para makapag-bonding ang mga bata kina Bisaya at Tito Eddie Gutierrez.

Marami rin kaming napag-usapan ni Richard bukod sa box-office success ng Metro Manila Film Festival 2018 entry na Fantastica.

Ang The Aivee Clinic daw, may pa-block screening, kaya ni-remind ko na rin kay Richard ang pa-block screening naman ng mga fan sa January 5.

Anyway, this 2019, gusto raw ni Richard na i-explore ang New York City at London, England. Sabi ko naman sa kanya, good luck kung magagawa niya dahil mag-i-start na nga sila ni Bea Alonzo ng taping ng kanilang primetime series at gagawin na rin niya ang bago niyang movie sa Star Cinema opposite Jennylyn Mercado.

“We’ll see,” sabi ni Richard na umaasa talaga na magagawa niya ‘yon.

Bela, hindi pa uli nai-in love

Nakita ko rin si Bela Padilla sa nasabing hotel.

Nagtse-check-out siya kasama ang direktor na si Irene Villamor.

Doon pala sinalubong ni Bela ang 2019.

Mukhang walang special someone si Bela kaya ang kaibigang direktor ang kasama niya.

Na-happy si Sarah nang makita si Bela dahil best friends ang dalawa.

Mon Tulfo laging nakangiti

Nakita ko rin sa The Peninsula Manila ang special envoy for public diplomacy ng ating gob­yermo na si Ramon Tulfo.

In fairness, maraming starstrucked sa kuya nina Raffy, Erwin at Ben.

Mukhang ma-PR nga pala ang veteran journa­list dahil palagi siyang nakangiti sa mga nakakasalubong at bumabati sa kanya.

Showbiz sisters malaki ang bilib sa sarili!

Marami ang nakapansin sa showbiz sisters na ito na hindi na sila ganoon ka-sweet sa entertainment press.

Sabi ng iba, parang bilib na bilib daw kasi ang sisters na ito sa kanilang popularidad sa social media.

Parang feeling daw ng mga ito na sa sapat na ang social media accounts nila para mai-promote ang kanilang mga proyekto.

As if naman ganoon kalakas ang mga proyekto nila na kulang na kulang sa publicity, ‘noh?!

‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with