^

Pang Movies

Prediction sa MMFF nagkatotoo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Prediction sa MMFF nagkatotoo!

Bago ang lahat, gusto muna namin kayong batiin ng isang Masaganang Bagong Taon. Sa wikang ingles, Happy New Year. Sa wikang kastila Feliz Ano Nuevo. Sa wikang Tsino, Xinnian Kuaile.

Dahil bagong taon nga, inaasahan na lahat naman happy. Pero dito sa nangyayaring Metro Manila Film Festival, maliwanag na dalawa lang ang happy, ang mga kasali sa pelikula ni Vice Ganda na sa kabila ng kung anu-anong boycott daw ay nananatiling top grosser, at ang mga may kinalaman sa pelikula nina Coco Martin at Vic Sotto, na napakalaki rin ng kita at nanalo pa kahit papaano ng awards. Bukod doon, ang mas matindi, ang pelikula nila ay Rated A ng CEB (Cinema Evaluation Board), ibig sabihin wala silang babayarang amusement tax.

Maski na natapos na ang awards, at may napili nang “magagaling”, walang naging epekto sa box office returns ng mga pelikula. Kagaya nga ng prediction ng mga marketing expert bago pa man nagsimula ang festival, dalawang pelikula lang ang kumita nang malaki. May kita rin naman iyong iba. Hindi naman puwedeng kahit papaano ay walang manonood sa kanila. Mayroon din pero hindi mo masasabing umabot sila doon sa level na matatawag mong hit ang pelikula.

Siyempre lahat naman ng may pelikulang hindi kumikita naghahanap ng sisisihin, at ang madalas ngang sinisisi nila ay ang mga may-ari ng sinehan. Kasi raw inaalisan agad sila ng sinehan, kaya nawawala ang pagkakataon nilang kumita. Hindi naman nila naiisip na sa pagpipilit nilang hawakan ang mga sinehan, ang mga iyon naman ang inaalisan nila ng pagkakataong kumita. Dapat parehas lang. Magkaroon ng pagbibigayan. Pero ang mga sinehan sa mga probinsiya na inirereklamo nila, hindi sakop ng Metro Manila kaya hindi umiiral doon ang regulasyon ng festival. Maaari silang mamili at mag-alis ng pelikula kahit na sa second day lamang. Sa mga sinehan sa labas ng Metro Manila, ang mga producer ng hindi kumikitang pelikula ay nagbabayad rin ng “minimum guarantee”. Kaya kung inaalis na sila, mas mabuti nga iyon eh, kasi naiiwasan nila ang mag-abono pa. Wala ka na ngang kinita, magbabayad ka pa ng guarantee sa sinehan, mas kawawa ka.

Ganoon pa man, sana happy na sila kung ano man ang kinalabasan ng kanilang mga pelikula, after all choice naman nila kung anong pelikula ang gagawin nila.

Maine palaban na sa pagbabanta

Bagama’t hindi na nga naging visible si Arjo Atayde doon sa promo noong Jack Em Popoy: The Puliscredibles kahit na kasali siya sa pelikula, para nga siguro maiwasan na rin ang ngitngit ng mga AlDub na nagbabantang mag-boycott ng pelikula dahil sa sinasabing panliligaw niya kay Maine Mendoza, aba bigla siyang lumitaw na kasama si Maine sa isang block screening ng kanilang pelikula.

Ano pang boycott ang sasabihin eh kumita na nga naman ang kanilang pelikula. Isa pa, hindi kami naniniwala diyan sa mga boycott na iyan eh. Iilan lang naman iyang mga nagbo-boycott. Kung bagsak ang pelikula, iyon ay dahil hindi nagustuhan ng tao ang pelikula nila. Hindi dahil sa boycott ng sino man.

Mukhang iba na rin ang kumpas sa tono ni Maine ngayon. Mukha ngang desidido na siyang aminin sa publiko na talaga ngang nanliligaw na sa kanya si Arjo. Eh ano nga ba naman ang pakialam nila sa personal na buhay ng mga artista?

vuukle comment

MMFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with