^

Pang Movies

Maraming artista pulitika naman ang pagkakaabalahan

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maraming artista pulitika naman ang pagkakaabalahan

Guess what, Salve A., kung anu-ano ang mga pagkakaabalahan ng ilang mga artista ngayong magtatapos na ang Metro Manila Film Festival 2018, lalo na ng mga tatakbo ngayong May 2019 elections.

Well, what else, kung hindi ang pangangampanya naman, lalo pa nga at running both for Senator sina former Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada who we all know, were both detained for cases of plunder at the Custodial Center for years.

Nakalaya na ngayon si Sen. Bong, since he was not found guilty. In the case of Senator Jinggoy naman, nakapagpiyansa siya kaya siya nakalaya.

Tulad ni Sen. Bong, the Courts proclaim him not guilty, too.

In fairness, the voters appear in favor na makabalik sila sa senado. Lalo na in the case of Senator Bong, na matagal nakulong sa kasalanang ‘di naman pala siya guilty.

Richard Yap magiging Kapuso na, sasabay kay Derek!

Eager din to win a seat as Representative of a particular district in Cebu City si Richard Yap, and this is the reason daw why he is inactive sa showbiz sa kasalukuyan.

Richard was last seen in the series Sana Da­lawa Ang Puso with Jodi Sta. Maria at Robin Padilla as the other leading man.

In any case, how true that Richard Yap’s contract with ABS-CBN has expired? He might join daw GMA-7, together with Derek Ramsay.

Of Jodi, ask ko lang kung may reconciliation nga bang naganap between her and Cavite Vice Governor Jolo Revilla?

Lately kasi ay nakita silang magkasama pero ilag pa rin sa issue.

Anne susubukang kunin bilang ‘misis’ ni General Bato

Ngayong napag-usapan naman natin si Robin, Well we heard na siya na nga ang gaganap bilang General Ronald “Bato” dela Rosa sa pelikulang anytime soon ay sisimulan nang i-shooting. The film, na wala pang tiyak na director as of this writing, will be based sa buhay/pag-ibig ng former General.

Ewan kung matatanggap ni Anne Curtis ang role bilang asawa ni General Bato, dahil bukod kay Sharon Cuneta na nauna na sa pagpipilian, paborito rin daw si Anne ng kanyang misis.

Tatakbo si Gen. Bato as we all know sa May 2019 elections.

Of Robin, this early ay nagpakalbo na siya. Para raw ma-feel na niya ang pagiging General Bato.

Obvious na bago tinanggap ni Robin ang nabanggit na role, pinag-aralan muna niya ng husto ang buhay ng Heneral.

He admits he admires the General.

Liza maghihintay ng tamang panahon sa Darna!

Touched naman kami sa gesture ni Liza Soberano noong Pasko, where she rounded several days sa Metro Manila at nagpamudmod ng pamasko sa mga batang kalye.

According to Liza, it is the least she can do to share her blessings. Naging busy nga siya with work this year. Bukod doon, ilang endorsements din ang kanyang nagawa.

Anytime soon, Liza might start sa new project with again her rumored reel-and real-life sweetheart, Enrique Gil as her leading man.

Nakapanghihinayang man sa postponement anew ng pagsasa-pelikula ng pinakahihintay niya at ng kanyang following na project na Darna, naniniwala siyang the right time for it ay darating din.

Naniniwala raw siyang may tamang panahon sa bawat magandang bagay na nangyayari sa ating buhay.

Amen, Liza.

vuukle comment

RICHARD YAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with