^

Pang Movies

Star Olympic bubuhayin ng KAPPT!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa

Ito ang isa sa mga ipinahayag ng kasalukuyang pamunuan ng Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) o mas kilala bilang Actor’s Guild sa kanilang tradisyunal na pagdiriwang ng Pasko na ginanap sa taong ito nung Sabado, Disyembre 29, 2018 sa Social Hall ng Social Security System (SSS). May opisina rin sa gusali ng SSS ang grupo ng mga artista na ipinagagamit sa kanila ng libre.

Masaya ang KAPPT sa pamumuno ngayon ni Imelda Papin dahil halos 100% ng mga miyembro nila ay kasapi na ng nasabing ahensya ng gobyerno at protektado na sa kanilang pagtanda. Yung mga may edad naman ay kabilang na sa PhilHealth at mayro’n nang maaasahan sa panahon ng kanilang pagkakasakit. Yung mga walang proyekto sa pelikula o TV ay maaring mag-aral ng libre sa TESDA para matuto ng ibang gawain at magkaro’n ng ibang trabaho bukod sa pag-aartista.

Nakakalungkot nga lamang at iilan lamang ang  mga artistang may pangalan ang sumusuporta sa mga layunin ng KAPPT at nagbibigay ng financial assistance para sa mga kasamahan nila sa industriya, gaya nina Bong Revilla, Lito Lapid, Mayor Erap Estrada, Jomari Yllana, at Vandolph Quizon.

Maliban sa officers and members na sina Ricardo Cepeda, Amay Bisaya, Jeffrey Santos, Lyn Madrigal, Josie Tagle, at iba pa, masaya ring naki-party sina Liz Alindogan, Isabel Lopez, at Sharmaine Santiago sa kanilang mga colleagues na masaya na sa payak na aginaldo na tinanggap nila sa taong ito.

Nangako ang pangulo nila ng isang mas masaya at manigong pagdiriwang sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga fundraising project tulad ng Star Olympics na balak nilang buha­ying muli at hikayatin ang mga malalaking artista na makibahagi.

Sharon mag-iiba ng atake sa career!

Nagbabago yata ng linya si Megastar Sharon Cuneta at na-inspire sa magandang pagtanggap ng manonood sa mga katatakutang ginawa ni Anne Curtis sa pelikulang Aurora at Otlum nina Ricci Rivero at Jerome Ponce sa taong ito na bahagi ng Metro Manila Film Festival 2018, kaya naman si Shawie ay gumagawa ngayon ng isang horror film kay Erik Matti, ang Kuwaresma. Balak pa yata niyang agawin kay Anne ang pagiging Horror Queen kaya gusto niyang tiyakin na matatakot niya ang lahat ng manonood ng kanyang movie.

Barbie tumutulong sa pagmo-move on ni JM

Totoo ata na may relasyon sina JM de Guzman at Barbie Imperial. Sila kasi ang magkasama nitong Pasko at nagawa pa nilang dumayo ng Cebu para ma-enjoy ang isa’t isa?

Sana nga ay maging instrumento si Barbie para tuluyan nang iwan ng aktor ang kanyang bisyo at tumahak sa diretsong landas. Mahirap na gawain yung ginagawang pagbabago ni JM at isang tulad ni Barbie lamang ang makakatulong para mapangatawanan niya ito.

Presyo ng mga ticket sa sinehan, pamahal pa!

Huwag sanang magtuluy-tuloy at sana ay mapigilan din ang pagtaas ng bayad sa mga pinano­nood nating mga pelikula. Pumapalag na ang mga manonood sa biglang pagtaas ng bayad sa ilang mga sinehan na nagpapalabas ng mga MMFF 2018 movies. Kinukupit na nga lang nila ang pampanood ng sine sa malaking gastusin nila sa bahay na kung mas lalaki pa sa karaniwang presyo ngayo ay baka hindi na nila kayanin pa. Masyado nang masasakripisyo ang household budget. Pakiusap nila na iretain na lamang sa kasalukuyang presyo ang halaga ng tiket sa mga sinehan.

vuukle comment

KAPPT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with