^

Pang Movies

Direk Joel masayang malungkot sa kapalaran ng Rainbow’s...

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Direk Joel masayang malungkot sa kapalaran ng Rainbow�s...

May pakiusap ang thank you speech ni Direk Joel Lamangan ng pelikulang Rainbow’s Sunset sa Gabi ng Parangal ng MMFF 2018:

“Sa bumubuo ng MMFF, maraming salamat sa pagkilalang ito. Salamat sa Heaven’s Best, kay Harlene Bautista. Salamat sa lahat ng tumulong upang mabuo ang pelikulang ito. Salamat sa lahat ng aking mga napakahuhusay na artista, ako’y napakapalad na magkaroon ng mga mahuhusay na artista sa pelikulang ito.

“Masarap tanggapin ito pero may konting sakit din. Sakit dahil masakit, na sa harapan mo, unti-unting tinatanggal ang sinehan ng pelikula mo.

“Pero isang panalangin at isang pakiusap, sana sa mga susunod na panahon kung ano yung napag-usapang numero ng mga sinehan na pagpapalabasan ay respetuhin ninyo!  Huwag nating ipagkait sa mga manonood ang kanilang karapatang makapanood ng pelikula, huwag lang na­ting isipin ang komersiyo.  Ang pelikula ay isang sining at ang sining ay kaluluwa ng tao, ng bayan.  Huwag lang nating patabain ang bulsa ng lahat ng mga may-ari ng sinehan, patabain natin ang kaluluwa ng ating bayan, ng mga Pilipino.

“Yun lang po, isang panalangin na sana po ay mapakinggan.  Maraming salamat po.”

Maine quickie ang bakasyon sa Thailand

Doble ang saya ng bakasyon ni Maine Mendoza na natuloy din, kahit ilang araw lamang, sa Bangkok, Thailand. Umalis siya last Thursday early morning with her family, except for her Ate Nikki na kapapanganak pa lamang sa baby girl nitong si Aria.

At doon na tinanggap ni Maine ang magandang balita na nanalo ng tatlong awards ang kanilang Jack Em Popoy:The Puliscredibles sa Gabi ng Parangal sa The Theater Solaire last Thursday evening. Kaya sulit na sulit ang pagod niya nang maglibot sa mga sinehan at magpasalamat sa mga manonood sa opening day.

Babalik din agad si Maine dahil live na ang Eat Bulaga sa January 1, 2019. Meanwhile, tonight sa Daddy’s Gurl, special guests nila ni Itang Barak (Vic Sotto) si Comedy Queen AiAi delas Alas at si Kendoll, si Mama Ten, na PA ni Alden Richards, pagkatapos ng Pepito Manaloto.  Bukas naman, tampok si Maine sa Laura Tsismosa episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko after ng Amazing Earth.

Alden busy na sa pagsalubong ng 2019

Bumalik naman si Alden Richards with his family kagabi, December 28, from Osaka, Japan.

Tomorrow, December 30, back to work na si Alden dahil may rehearsals na sila para sa GMA New Year’s Countdown sa SM Mall of Asia (MOA) Seaside Blvd, sa Monday, December 31. Makakasama ni Alden mag-host sina Kris Bernal, Andrea Torres, Betong Sumaya, Joyce Pring at Arra San Agustin.

Magsisimula ang show at 10:30 PM with performances sa maraming Kapuso artists led by Christian Bautista, Mark Bautista, Julie Anne San Jose, mga finalist ng The Clash with Grand Champion Golden Canedo.

Nasa 11th year na ang partnership ng GMA sa MOA, at kasama nila ngayon ang Solaire Resort & Casino para sa spectacular set of fireworks display.

vuukle comment

JOEL LAMANGAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with